Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, May 22

Parang Nalibot Ko Na

Nitong isang Linggo tila naging manlalakbay
Parang nalibot ko na ang aking sinilangan
Paroo't parito ang aking pakay
Mga papeles sa trabaho'y aking inaplayan

Mula Taguig ay nakarating ng Pasig
At sa Pasig, napuntahan ang Quezon Ave.
Ito ang pinakamalayong lugar na aking binaka
Na ako lamang mag-isa

Natutong dumepende sa aking sarili
At magkaroon ng sariling diskarte
Kung dati'y walang pakialam sa nangyayari
Ngayo'y samo't-sari, di na makapirmi

Ganito pala ang buhay habang lumalaki
Responsibilidad nati'y palaki ng palaki
Di maglalaon tayo na ang magtutuloy
Tatanggalin sa magulang ang pagkakabuhol

Marami pang madadaanan sa aking buhay
At nagsisimula pa lamang ang aking laban
Dalawampu't isa na ko ritong may malay
Susulitin ko pagkat minsan lang magdaraan..

(Mula April 19 - 23)

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.