Sa tuwing bibili kami ng gamot sa Watsons at wala o di sapat ang bilang ng gamot na kailangan namin, ay pwede namin ipa-check sa cashier kung may ibang Watsons na malapit sa area at kung may stock o available ba silang gamot na kailangan namin.
Napaka-useful nun sapagkat sa malls (o kahit sa labas man), madalas maraming store branches ng nasabing pharmacy at malalaman mo na ahead of time kung may stock ba sila ng gamot bago mo puntahan.
Eto ang isa sa ikinamangha at ikinahahanga ko sa Watsons. Sana ganito rin sa ibang store branches hindi lang sa botika/parmasya kundi sa iba ring industriya.
Kaya Watsons, saludo kami sa inyo at sa ganda ng sistema nyo! Keep it up!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!