Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, February 23

Pag-inom ng Tsaa..

Ang pag-inom ng tsaa ay isang bagay na nakasanayan ko na mula nung hayskul pa ko. Sa dahilang mabuti ito sa katawan at tradisyon na rin ng mga tao sa Asya.. Ngunit namimili lang ako ng iinuming tsaa sapagkat merong matatapang at kumukulay sa puting tasa... Kung kumukulay sa puting tasa malamang kumulay din ito sa ngipin.. Kaya minabuti ko na limitahan at piliin ang tsaang iinumin at ito nga ay ang "green tea". Sinasanay ko na ang aking sarili sapagkat dati ay napapaitan ako sa lasa nito ngunit lumipas ba naman ang ilang taon siguradong masasanay ka rin sa pait na dulot nito.. Kagaya din yan ng buhay, kung puro sarap at ligaya lang ang hanap mo maaaring mauwi sa hantungan ang lahat subalit kung matitiis natin ang hapdi at pait na ibinibigay nito asahan mong sa bandang huli ay may makakamtang ginhawa at ligaya..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

1 comment:

  1. hahaha! kumukulay sa ngipin! kaya pala yellow. :D I agree na kung puro happiness nga lang naman ang buhay... e di ang boring nun kasi di mo alam kung ano ang purpose mo sa mundo. Tama lang talaga na may balanse ng kasiyahan at kalungkutan. nagsasalit-salitan lang silang dalawa sa bawat buhay ng tao.

    ReplyDelete

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!