Tuesday, August 27

Ayan Na Naman Sila

Ayan Na Naman Sila

Alam mo yung feeling na makakatanggap ka na naman ng email from someone na nag-subscribe ka dati kasi akala mo makakatulong sya sa problemang kinasasadlakan mo, ayun nag-email na naman.

Monday, August 26

Kapag May Work Na Ako

Kapag May Work Na Ako

Heto ang mga ilang bagay na naiisip ko nung mga panahong naghahanap at wala pa kong work.

Mga bagay na ngayon ko lang naisip para makatipid at ng mas makaipon pa.

  • Magbabaon na lang ng dalawang sandwich kasi mas makakamura ako kesa kumain palagi sa labas. Bibili na ko ng tasty at palaman para ihahanda ko na lamang sa bahay bago pumasok ng trabaho.
  • Iwasang bumili ng bottled water or kahit anong beverages (pwede siguro tuwing sweldo lang).
  • May isang sakay na maglalakad na lang. In other words, imbis na sumakay ng jeep o tricycle ay lalakarin na lang. Mabuti ito sa kalusugan at kapag di umuulan. Lalo sa ruta ko, madalas traffic pag sumasakay ako ng tricycle. Lakad na lang para di sayang oras.
  • Ang budget lang dapat kada araw ay pamasahe papasok at pauwi (bawal lumagpas sa itinakdang budget).

Tuesday, August 6

My Realizations About PLDT Landline and MyDSL

Our PLDT Experiences

Bago kami nagdesisyon na ipaputol na ang aming internet at telephone line, basahin ang mga realizations ko at ng ibang customer sa ibaba:


Kung paulit-ulit ang problema at maraming nagrereklamo, di malayong mawalan kayo ng negosyo. Sige ipagpatuloy nyo pa ang trabaho nyo, PLDT.

Magaling lang kayong mag-promote at mag-market kasi matagal at malaking kumpanya na kayo. Pero serbisyo nyo ewan.

Kaya palaging puno at blockbuster ang pila sa kahit saang branch nyo dahil halos lahat ng nandun ay magrereklamo sa serbisyong binibigay nyo. Bayad kami ng bayad pero mukang di worth it.

Thursday, July 25

Ang Digital Product o Course Mo Ba ay Ginto?


Lahat na lang ng natatanggap kong emails, lahat nagbebenta. Hindi ba sila nagsasawang kulitin ang nananahimik kong mundo?

Lahat sila gusto ng aking atensyon. Feeling ko tuloy artista ako na ang dami-daming pera o kaya'y Oppa sa isang Kdrama. :D

Friday, July 19

Di Porket IT ang Course, Ia-assume Mo Agad na Marunong Mang-hack

Information Technology by Nick Youngson CC BY-SA 3.0 Alpha Stock Images
Nakakainis yung mga taong bigla kang ime-message tapos tatanungin kung IT ka. Pagkatapos magpapatulong na i-retrieve yung FB account nilang na-hack o nakalimutan ang login. Madali sana yun kung alam nila ang password ng email na ginamit sa paggawa ng FB account nila, kaso hindi eh.

Para bang automatic agad na alam mo pag nalaman nilang IT course mo. Hindi yun ganun mga tsong.

Ang IT ay course na malaki ang nasasakop o nasasaklaw. Naririyan na eksperto sa hardware o software.

Sa case ko, programmer ako pero hindi hacker. Kaya pakiusap ko lang sa magme-message sakin na tigilan ang pagtatanong kung mare-retrieve ko ba ang account nilang na-hack.

Tuesday, July 16

After ng Mid-Year Sale, May After Party Pa si Lazada


(Lazada Sale: From July 13 up to 16)

Hindi mo ba napapansin na madalas mag-sale si SM. Kada buwan na lang ata may sale sila.

Naririyan din ang 3-day sale nila na naka-schedule kada branch (per batch). Halimbawa, sale ng 3-day sale ngayong buwan ng July sa SM Sucat. Tapos next month, sa ibang SM branches.

Naririyan din ang matatapos ng sale sa Lazada. Nitong July 13 lang ay nag- Mid-year sale si Lazada. At di pa dun natatapos kasi hanggang July 16 pa pala ang after party (meaning sale pa rin at extended pa ng tatlong araw).

Tuesday, July 9

Wag Maging Redundant Pagdating sa Pag-iinvest

Image by QuoteInspector.com | www.flickr.com
Napapansin ko na doble-doble o umuulit lang pala ang ginagawa kong pag-iinvest sa Stock Market.

Ang pag-iinvest sa Stock Market ay ikaw mismo ang mamimili ng bibilhin at ibebentang shares ng kumpanya. Habang ang equity o index fund, isang uri ng mutual fund, ay hindi direktang ikaw ang gagawa ng mga iyon. May isang Fund Manager ang magiging responsable sa pagpili ng mga mahuhusay at magagaling na kumpanya. Sila rin ang bibili at magbebenta kung sa tingin nila (base sa pag-aaral na ginawa) ay panahon na upang lumago ang ating investment. Since hindi na tayo ang direktang gumagawa nito ay mayroong 'management fee' na tinatawag subalit maliit lamang. Ang mutual fund ay pinagsama-samang pondo ng mga investors at kapag malaki na ay tsaka ibibili ng shares ng mga kumpanya.

Kung hindi ka pa sanay at confident na bumili sa Stock Market ay dapat sa mutual fund ka muna magsimula. Ito ay lalo pa kung busy ka sa trabaho mo o sa negosyo.

6 Money Habits that Will Not Make You Rich

The six poor money habits to avoid are: • Neglecting savings : Failing to set aside a portion of income (ideally 10%) consistently before pa...