Image by QuoteInspector.com | www.flickr.com |
Ang pag-iinvest sa Stock Market ay ikaw mismo ang mamimili ng bibilhin at ibebentang shares ng kumpanya. Habang ang equity o index fund, isang uri ng mutual fund, ay hindi direktang ikaw ang gagawa ng mga iyon. May isang Fund Manager ang magiging responsable sa pagpili ng mga mahuhusay at magagaling na kumpanya. Sila rin ang bibili at magbebenta kung sa tingin nila (base sa pag-aaral na ginawa) ay panahon na upang lumago ang ating investment. Since hindi na tayo ang direktang gumagawa nito ay mayroong 'management fee' na tinatawag subalit maliit lamang. Ang mutual fund ay pinagsama-samang pondo ng mga investors at kapag malaki na ay tsaka ibibili ng shares ng mga kumpanya.
Kung hindi ka pa sanay at confident na bumili sa Stock Market ay dapat sa mutual fund ka muna magsimula. Ito ay lalo pa kung busy ka sa trabaho mo o sa negosyo.
Subalit kung gusto mong may direktang partisipasyon sa pagpili, pagbili at pagbenta ng shares ng mga natipuhan mong kumpanya ay mas mainam na mag-invest ka sa Stock Market thru stock brokerage. Maraming online stock brokerage. May BPI Trade (under BPI), BDO Nomura (under BDO), First Metro (under Metrobank) at Colfinancial (independent stock broker). Colfinancial ang gamit ko.
Sa kaso ko, may equity fund na ko thru my VUL tapos nag-iinvest pa ko directly sa Stock Market thru Colfinancial. Nagpasya akong balansehin at magbenta ng sobrang shares ng mga kumpanya. Ang perang naibenta ko ay gagamitin ko naman sa pag-invest sa Farmon, isang organisasyon na tumutulong ng malaki sa ating magsasaka at sa ekonomiya ng ating bansa. Ang return of income (profits) ay bonus na lamang. (Sa ngayon ay hindi ko na inirerekomenda na mag-invest sa kanila sapagkat simula nang magka-pandemic ay samu't-sari ang mga palusot nila).
Muli, pinapaalalahanan kita na balikan at i-check lahat ng investments mo kung naaangkop pa rin ba at naaayon ang mga iyon sa goals mo sa buhay.
I hope marami kang natutunan sa pagbabasa nitong blog post ko. Salamat.
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.