Heto ang mga ilang bagay na naiisip ko nung mga panahong naghahanap at wala pa kong work.
Mga bagay na ngayon ko lang naisip para makatipid at ng mas makaipon pa.
- Magbabaon na lang ng dalawang sandwich kasi mas makakamura ako kesa kumain palagi sa labas. Bibili na ko ng tasty at palaman para ihahanda ko na lamang sa bahay bago pumasok ng trabaho.
- Iwasang bumili ng bottled water or kahit anong beverages (pwede siguro tuwing sweldo lang).
- May isang sakay na maglalakad na lang. In other words, imbis na sumakay ng jeep o tricycle ay lalakarin na lang. Mabuti ito sa kalusugan at kapag di umuulan. Lalo sa ruta ko, madalas traffic pag sumasakay ako ng tricycle. Lakad na lang para di sayang oras.
- Ang budget lang dapat kada araw ay pamasahe papasok at pauwi (bawal lumagpas sa itinakdang budget).
Ganyan sana ang gagawin ko kaya lang di na natuloy. Nahire ako as a freelancer at dito lang ako sa bahay nagwo-work.
Maraming benefits at advantages pag working from home tapos kasama mo pa ang mga mahal mo sa buhay. Mas marami ka pang nagagawa at very productive.
Pero di ko rin maalis sa isip ko ang magtrabaho sa isang opisina. Halos 9 years din kasi ang iginugol ko sa corporate world.
Anyway, ikaw ba? Empleyado ka ba o freelancer ding katulad ko?
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!