Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Friday, July 19

Di Porket IT ang Course, Ia-assume Mo Agad na Marunong Mang-hack

Information Technology by Nick Youngson CC BY-SA 3.0 Alpha Stock Images
Nakakainis yung mga taong bigla kang ime-message tapos tatanungin kung IT ka. Pagkatapos magpapatulong na i-retrieve yung FB account nilang na-hack o nakalimutan ang login. Madali sana yun kung alam nila ang password ng email na ginamit sa paggawa ng FB account nila, kaso hindi eh.

Para bang automatic agad na alam mo pag nalaman nilang IT course mo. Hindi yun ganun mga tsong.

Ang IT ay course na malaki ang nasasakop o nasasaklaw. Naririyan na eksperto sa hardware o software.

Sa case ko, programmer ako pero hindi hacker. Kaya pakiusap ko lang sa magme-message sakin na tigilan ang pagtatanong kung mare-retrieve ko ba ang account nilang na-hack.

Unang-una maging responsable at maingat sa paggamit ng account nyo. Kung nag-oopen kayo sa computer shop, siguraduhin na ila-logout ninyo ang account pagkatapos gumamit nang sa ganon maiwasang maiwanang nakabukas at magamit ng ibang tao. Isa pang halimbawa, kung post ka ng post at palaaway online, expect mo na posibleng may mangha-hack ng account mo lalo na kung hacker yung nainis sayo. Be responsible din kasi at wag gamitin ang social media sites sa pamba-bash ng ibang tao para iwas din sa ganitong senaryo.  At marami pang iba na kung iisa-isahin ko baka tamarin ka ng basahin.

Wala akong pinapatungkulan sa blog post kong ito. Gusto ko lang malaman nyo na hindi porket IT ang course eh automatic agad na marunong ng mang-hack at mag-retrieve ng account nyo. Tandaan na maging maingat sa paggamit ng account online at dapat din ay organisado.

Maraming salamat sa pagbabasa kaibigan at wag ka agad magme-message ng IT mong kaibigan.

Peace mga tol. :)

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

1 comment:

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!