Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, August 6

My Realizations About PLDT Landline and MyDSL

Our PLDT Experiences

Bago kami nagdesisyon na ipaputol na ang aming internet at telephone line, basahin ang mga realizations ko at ng ibang customer sa ibaba:


Kung paulit-ulit ang problema at maraming nagrereklamo, di malayong mawalan kayo ng negosyo. Sige ipagpatuloy nyo pa ang trabaho nyo, PLDT.

Magaling lang kayong mag-promote at mag-market kasi matagal at malaking kumpanya na kayo. Pero serbisyo nyo ewan.

Kaya palaging puno at blockbuster ang pila sa kahit saang branch nyo dahil halos lahat ng nandun ay magrereklamo sa serbisyong binibigay nyo. Bayad kami ng bayad pero mukang di worth it.

Sabi ni lolo na narinig ko lang, mabuti pa ang Meralco pag mawawalan ng kuryente may prior notice o abiso, ang PLDT wala. Tapos buwan buwan may bill na dumarating na need bayaran. Kelangan mo pang itawag at i-follow-up para magkaroon ng billing adjustment at for approval pa yun.

Minsan okay din makinig sa mga reklamo ng ibang tao para magkaideya ka kung ano bang problemang kinakaharap nila. Pero wag kang papahawa at maging kaparehas nila. Sa halip mag-isip ka ng solusyon at pwede mong gawin nang sa ganun di maging miserable at stressful ang buhay mo. Feed your mind with positive thoughts and good vibes.


Kagaya nitong ginawa namin. Binitawan na namin si PLDT kasi kahit anong gawin naming mabuti at umaasa naman kami, ayun nakukuha pa rin nilang balewalain at i-disappoint.

Kaya, maraming salamat sa magaganda at panget na memories, PLDT. Hello Converge! :)

Disclaimer:
I'm not here to destroy a company but to let them know what things they continuously do that dissatisfy their customers.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

1 comment:

  1. Boss pwede po bang makapag request ng review about Converge? PLDT subscriber kami for more or less 30 years now, been using their DSL service since 2012 so far walang problem until early this year 2020 palagi nawawala ang net. Almost 3 months nang pawala wala ang net, pabalik balik sila (Protek/PLDT) para gawin pero paulit ulit lang ang sakit. Naginquire na ko sa Converge pero medyo magaantay ng 2weeks at bukod sa monthly bill meron pang deposit na 1month plus ung installation, nagaalangan tuloy kaming magpakabit. please help us decide, thanks in advance!

    ReplyDelete

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.