Friday, March 1

Mema, March 2019

Di ka pwedeng mawalan ng trabaho dahil ang bills natin tuloy-tuloy lang ang pagdating kaya dapat tuloy-tuloy din ang pagpasok ng pera.

Gustuhin ko man magresign at gawin ang mga bagay na nais ko ay di pu-pwede at basta-basta dahil ang dami kong bayarin buwan-buwan. Kaya lang umaandar ang oras at panahon. Kung di ko pa gagawin ang mga bagay na gusto ko, kelan pa?

Sunday, October 28

Spongecola CODA

May bago na naman akong natuklasang kanta from Spongecola pero matagal na pala ito, 2016 pa pala.

Sobrang relate kasi ako ng mapakinggan ko sya kagabi habang naghahanap ng mga songs na ilalagay ko sa phone ko. Balak ko na kasing makinig ng mga bagong kanta habang nagbi-byahe papasok ng trabaho.

Nahook talaga ako dahil sa lyrics tapos very catchy pa ang melody.

Sunday, October 21

Kelan Kaya Ako Makakapag-Cash Out Sa Google Adsense?

Ang tagal-tagal ko ng nagba-blog since 2008 pa dito sa personal blog ko sa blogger/blogspot then nasundan ng professional blog ko nitong 2012 na galing ding blogger/blogspot tapos binilhan ko ng webhosting sa HostGator para ilipat, naroroong naging partner pa ko ni YouTube at kumikita ako sa mga uploaded videos ko since 2015 (or 2016 ata) pero inalis din nila recently dahil di ko daw na-meet ang # of subscribers and minimum views kaya sa blogs na lang uli ako nakadepende.

Thursday, June 28

Update from Me 2018

June 2018 na at malapit ng matapos ang kalahatian ng taon. Ano nga ba ang nangyari sa nagdaang anim na buwan?

Hindi na kasi ako nagjo-journal kaya mahirap isa-isahin mga accomplishments at achievements ko this year. Pero sisikapin kong ilahad ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko.

Wednesday, June 27

Henya, Original Composition and Sung By Jephone Petil



Nag-iisip hinihintay ang tawag mo
Nakatunganga lang ako sa telepono
Magdamag nag-iisip nag-aabang
Darating pa ba o tuluyang iniwan?

Ang puso kong ito'y laging nasasabik
sa twing iniisip ang yakap mo't halik
Di ko malaman kung ngayon ay nasaan
Darating pa ba o tuluyang lumisan?

Chorus:
Para sayo, hindi magbabago
Nananabik sa ating pagtatagpo
Hahanapin ka, maghihintay sinta
Panalangin ko'y wag ng lumisan pa
Darating pa ba? Laging umaasa

Sunday, August 20

Isang Daang Tula Para Kay Stella



Napanood ko na yung 100 (Isang Daang) Tula Para Kay Stella.

Sobrang nakarelate ako sa character ni JC Santos na si Fidel sa pelikula dahil sa mga sumusunod:

- lahat ng emosyon ko pagdating sa babae ay idinadaan ko sa tula. Yun ang dahilan kaya nung mapanood ko palang yung trailer, sinabi ko sa sarili ko pagshowing nito papanoorin ko talaga to.

- ikalawa, may speech defect ang bida sa pelikula which is di nalalayo sakin at aminado naman ako.

Maganda ang pelikula at nirerecommend ko ito para sa mga taong mahilig din magsulat at magbasa ng mga tula.

Tuesday, July 11

Payong Pag-ibig Para Sa Akin

Naisip ko lang,

Minsan sya na ang naghahanap sayo..

Naranasan mo na ba ang pakiramdam ng may naghahabol sayo?

Yung tipong andyan na sya pero dedma ka..

Kung nararanasan mo ito ngayon, pakinggan mo sya at bigyan mo ng pagkakataon..

Hindi yung di mo pa nga naririnig ang boses nya, tablado na agad sayo..

O hindi mo man type ang kanyang pananamit at porma, echapwera na agad ang sagot mo..

My Half a Year 2026 Cash Dividends From Philippine Stock Market

Nag-share ako ng total na kinita ko last year (2025) sa Philippine Stock Market . Ngayon naririto uli ako upang ibahagi ang kinita ko sa hal...