Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, October 21

Kelan Kaya Ako Makakapag-Cash Out Sa Google Adsense?

Ang tagal-tagal ko ng nagba-blog since 2008 pa dito sa personal blog ko sa blogger/blogspot then nasundan ng professional blog ko nitong 2012 na galing ding blogger/blogspot tapos binilhan ko ng webhosting sa HostGator para ilipat, naroroong naging partner pa ko ni YouTube at kumikita ako sa mga uploaded videos ko since 2015 (or 2016 ata) pero inalis din nila recently dahil di ko daw na-meet ang # of subscribers and minimum views kaya sa blogs na lang uli ako nakadepende.


us-dollars-currency
Kumita ka na ba sa Google Adsense?


Ang problema yung minimum threshold na $100 until now ay never ko pang nareach at as of this writing, nasa $45.40 pa lang ang earnings. More than 50% pa bago ko sya ma-encash sa Western Union.

Napapaisip ako, anu-ano pa kayang paraan para mapabilis ang pag-abot ng Google Adsense earnings na $100 mark?

Siguro kailangan ko pa ng doble-dobleng kayod at sipag. Promote doon, promote dito. Sulat ng articles at posts na useful at relevant sa niche market at audience ko.

Naiinggit kasi ako dun sa kumikita ng 100, 500, 1,000 US Dollars a month tapos ako per month ko less $1.

Nakakatawang isipin pero di biro ang kumita ng pera (maging full-time man o extra money online) pero ano kayang feeling ng ganon no?

Yung tipong kumikita ka na sa full-time job mo (9-5 day/night job) tapos may pumapasok pa ding pera on the side.

Siguro ang sarap sa pakiramdam nun at nabibili, naitatabi or naiinvest mo ang ilang kinikita mo para sa future self mo.

Pero naniniwala pa rin ako na kikita pa rin ako sa mga ganitong bagay na ginagawa ko basta wag lang akong gumive-up agad at patuloy ko lang i-improve ang sarili ko.

Sabi nga nila pag napagod ka, magpahinga ka lang pero wag kang aayaw. Kasi walang nagtatagumpay sa taong madaling umayaw.

Balik ka din, kaibigan. :)

Note:

As of May 2017, my total earnings was $41.02.
Today (October 2018), my total earnings is $45.40.

Bale in 17 months (1 year and 5 months), ang nadagdag lang sa earnings ko ay $4.38. Siguro may kulang pa sa ginagawa ko kaya ang bagal ng pagtaas ng earnings ko..

3 ways to earn sa Adsense:

  • Adsense for Content
  • Adsense for Search
  • Adsense in YouTube


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!