Sobrang relate kasi ako ng mapakinggan ko sya kagabi habang naghahanap ng mga songs na ilalagay ko sa phone ko. Balak ko na kasing makinig ng mga bagong kanta habang nagbi-byahe papasok ng trabaho.
Nahook talaga ako dahil sa lyrics tapos very catchy pa ang melody.
Eto nga ang ilan sa mga linya na sobrang tumatak sa isip ko.
♫...sayang giliw ito ang sinapit...♫
♫...bakit hindi kita mapigil
at magawang kita'y habulin...♫
♫...hidwaan natin mananatili
sayo ba'y merong katuturan?...♫
♫...bakit hindi kita masisi
pagiging tama o mali anong silbi...♫
Masarap gawing tula ang mga linya sa itaas pero ayoko na munang sundan yung tatlong poetry books ko. Siguro kung about sa pamilya at mga mahal ko sa buhay, pwede pa.
Sa katunayan nga hinanap ko sa internet ang chords nito at tinugtog ko gamit ang gitara ng papa ko. Kumakanta-kanta pa ko at gusto ko ngang kabisaduhin, hehe.
Eto yung video nung song na may kasamang lyrics.
Isa sa mga pangarap ko eh i-shoot ang sarili ko na naggigitara at gumagawa ng covers ng mga paborito kong kanta. Kumukuha pa ko ng tyempo at libreng oras. Wag ka masyadong umasa kasi di naman ako magaling maggitara at lalong hindi ako magaling kumanta. Siguro marunong lang. Bahala na siguro kayong humusga pero ang tanong may manonood ba? :D
Naisulat ko lang ang blog post na ito out of the blue kasi nag-iisip ako ng maisusulat talaga. Pero sobrang na-LSS kasi ako sa kantang ito. Yung babae kasing yun na sobrang nanakit sakin. Dahil sa sakit na yun, naging parang inspirasyon ko sya at ang ending nakagawa ako ng mga tula. Pag-ibig nga naman nakakagawa ng mga bagay na di mo talaga maiisip na magagawa mo.
Pero okay na ko. Sadyang masarap lang talaga balikan at mag-emo lalo na kung ganitong mga kanta naririnig mo.
Masaya na sya at may boyfriend na.. Masasabi kong naka-move on na sya dun sa ex nya na madalas nyang ikwento sakin noon. Isipin mo kasi kasa-kasama ko sya tuwing uwian at alam nyang may gusto ako sa kanya, pero ang bukambibig nya palagi yung ex nya. Masakit yung nasa ganung sitwasyon pero ganun talaga.
Sabi nga sa tula ko sa "Ang Feelings Ay Di Mutual",
Akala ko'y iisa ang bangkang sinasakyan natin
Nakisakay ka lang pala hanggang makita ang mamahalin..
Kaya pag nakita nyo ko sa daan tuwing umaga sa kahabaan ng Sucat hanggang Ayala at may nakasuksok na earphones sa aking tenga, huwag nyo ng tangkaing mag-hi pa kasi nag-eemo ako, haha!
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.