Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, July 11

Payong Pag-ibig Para Sa Akin

Naisip ko lang,

Minsan sya na ang naghahanap sayo..

Naranasan mo na ba ang pakiramdam ng may naghahabol sayo?

Yung tipong andyan na sya pero dedma ka..

Kung nararanasan mo ito ngayon, pakinggan mo sya at bigyan mo ng pagkakataon..

Hindi yung di mo pa nga naririnig ang boses nya, tablado na agad sayo..

O hindi mo man type ang kanyang pananamit at porma, echapwera na agad ang sagot mo..

Masakit ang mahusgahan kaagad lalo pa't di ka pa naman nya tuluyang kilala..

Buti nga hinahabol ka pa kasi ibig sabihin may nakita sya sayo. Pwedeng sa panlabas na itsura o kaya sa katangian na meron ka..

Pero kung ayaw talaga, wag ka ng magpumilit pa.. Masasaktan ka lang, promise..

Move on na bhe at tsong, kung di ka nya gusto gayahin mo lang ang ginawa ni Colonel Sanders (i-google mo para malaman mo kung sino nga ba sya).

Di sya sumuko kahit ilang NO ang narinig at binigay sa kanya. Hanggang sa ika 1,010 ay may nag-YES sa chicken recipe nya.

Ganyan talaga ang buhay. Minsan talo ka.. Pero pag nanalo ka, dapat magsaya at magpasalamat ka.

Kasi sa milyong-milyong tao sa mundo, may isang naniwala sa iyo. At dahil dun dapat patunayan at iparamdam mo sa kanya ang iniaaalok mo.

Hangga't maaari nga mas higit pa. Pero ang importante, mahal nyo ang isa't-isa. Nagkakaintindihan kayo at iisa ang direksyon na inyong tinatahak.

Ano kaya ang feeling ng ganun? Sa ngayon di ko pa nararanasan pero naniniwala ako na balang araw ay darating din yun.

Maniwala lang ako kay God na may isang taong nakalaan para sa akin. At habang wala pa sya, may panahon pa ko na iimprove ang sarili. Kasama na dun yung matutunan kong mahalin ang aking sarili.

Sabi nga nila hindi ka handang magmahal kung hindi mo kilala ang iyong sarili.. Yung sarili mo mismo di mo pinapahalagahan.. You can not give what you do not have. Dapat sobra sobra ka na sa pagmamahal. Yung parang wala ka ng mapaglagyan pa. Para pag dumating na sya, handa ka.

Maging tapat lang tayo sa ating sarili. Dahil ang pagpapanggap sa di naman ikaw para lang mahalin ka din nya ay iisa lang ang kinahahantungan. Ang masaktan.. Wala ng ek ek, paliguy-ligoy o pagkukunwari pa dahil kung talagang mahal ka ng isang tao, tanggap ka nyan maging sino ka man.

----------------

Ang drama no? Ganyan yung tema at mababasa mo sa 3rd book ko na malapit na malapit na. :)

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!