Mukang pinaasa mo lang ako
Nung binalikan ka ng ex mo
Ako'y iniwan mong lito
Kahit pala wala ako ay kaya mo
Di rin pala ako kasama sa pangarap mo
Isa lang pala akong ekstrang tao
Na maliit ang ginampanan sa buhay mo
Dalawang beses lang kitang pwedeng mahalin:
Now and forever
Subalit ang isinukli mo sa akin
Ay no and never
Paano magwowork ang isang relasyon
Kung yung isa lang ang nagbibigay
Habang yung isa tanggap lang ng tanggap
At di kayang suklian ng pagmamahal
Masisisi mo ba ko
Kung naisulat ko ang dalawang bagay
Sa pinakita mo noon
Bakit biglang nawala at tumamlay
Ang buhay ay mapanghamon
Sinusubukan kung ako'y tatagal
Subalit wala naman dapat ipaglaban
Ang lahat lahat ay ilusyon lamang
Ano nga kayang meron ngayon
Ba't napakalamig ng panahon
Ako ngayo'y napapatanong
Kung nangyari nga ba ang kahapon.
----------
Actually, matagal ko ng naisulat to kaya lang ngayon ko lang pinost kasi gusto ko perfect yung magagawa kong tula.
Pero kung hihintayin natin maging perfect ang isang bagay baka magulat na lang tayo na huli na. Wala na. At di na pwedeng ibalik pa.
Sana nagustuhan ninyo ang tula kong ito. =)

Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!