Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Friday, April 28

Ang Peg Mo

Gusto mo matangkad na payat
Gusto mo pinapatawa kang walang puknat
Subalit hindi ako ganun
Kaya di pumasa sa qualification

Halos magkaheight lang tayo
Sa tuwing magkikita't kinukumpara ko
Nagtitingkayad at straight body na ko
Sapatos na mataas at stripe na polo

At ang palaging binibiro ko sayo
Umiinom ako ng gatas para mag-grow
Stretching dito kahit lagpas bente uno
Umaasa sa magic at milagro

Subalit bakit ko naman babaguhin
Ang sarili at ika'y sundin
Kung ito ang ibinigay sa akin
Ang iyong drama'y di na bibilhin

Hindi mo ba nalalaman
Ang panlabas na anyo'y may hangganan
Magugulat ka na lang mga minsan
At matututo sa kamalian

Bakit ganito ang pag-iisip nila
Maputi lang maganda't gwapo na
Nagpakulay lang tisay o tisoy na
Parang peg mo lang na mahirap mabasa.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.