Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, April 27

Hu U Ako

Nais ko lamang na ito'y ikwento
Pakinggan muna ang emosyon ni Jethro
Dati palaging nasa bulsa ang cellphone ko
Ngayon di mawari kung san na si Oppo

Hanggang emoticons na lang talaga
Ang feelings ko para sa kanya
Mabilis magpapalit-palit ng itsura
Kahapo'y inspired, ngayo'y expired na

Bakit gusto kong makamove-on
Wala namang harang sa aking harapan
Nagkasalubong tayo subalit hindi laan
Doon nakatingin sa malayong daan

Gusto ko sanang sabihin sa kanya
At malaman kung anong sagot nya
Sino ba sa atin ang unang nangako
At sino rin ang unang sumuko

Ang pinapangarap kong mundo
Ay walang iba kundi sa piling mo
Subalit ang realidad ay di mo ko gusto
Hanggang sa panaginip ay hu u ako.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.