Monday, May 8

Paano Ba Ang Maging Si Superman?

Pangarap ko dati ay ganito
Pangarap ko dati ay ganoon
Subalit nag-iba ang lahat ng yun
Simula ng mauntog ako sayo

Napakinggan mo na ba ang kanta ni Carol Banawa
Na bakit di na lang totohanin ang lahat
Mukang hindi pa at ika'y nagbiro lang
Napasaya mo ko ngunit panandalian lang

Ginagawa ko naman ang lahat
Pero parang hindi pa rin sapat
Iniisip ko may iba kang hinahanap
Di lang naman tanghali ang tapat

Sunday, May 7

Naikintal Mo Sa Isip Ko

Masayang-masaya nung makilala kita
Ang puso'y kumakabog sa tuwa't sigla
Sa tuwing makikita ay hindi makahinga
Punung-puno ng buhay at pag-asa

Kukwentuhan ko kayo ng tungkol sa kanya
Para magkaideya kayo sa aming istorya
Malungkot ako, ang mahalaga'y nakilala
Nagmahal, nasaktan, nagising na mag-isa

Manggang hilaw na may bagoong
Paborito mong kainin at i-consume
Melona ice cream na mahirap hanapin
Na malapit sa pinapasukan mong building

At ang prinsesang cosplayer na si Alodia
Nakakahawig mo raw at nakakamukha
Oo nga no parang kapatid ka n'ya
Walang anu-ano'y finallow ko s'ya

Saturday, May 6

Tingin Nyo Totoo?

Minsan naiisip ko na may katotohanan ito
Pagkatapos ng breakup ganito ang senaryo
Unang araw si lalaki ay walang pakialam
Si babae nama'y walang humpay sa pagluha

Friday, April 28

Ang Peg Mo

Gusto mo matangkad na payat
Gusto mo pinapatawa kang walang puknat
Subalit hindi ako ganun
Kaya di pumasa sa qualification

Halos magkaheight lang tayo
Sa tuwing magkikita't kinukumpara ko
Nagtitingkayad at straight body na ko
Sapatos na mataas at stripe na polo

Thursday, April 27

Hu U Ako

Nais ko lamang na ito'y ikwento
Pakinggan muna ang emosyon ni Jethro
Dati palaging nasa bulsa ang cellphone ko
Ngayon di mawari kung san na si Oppo

Hanggang emoticons na lang talaga
Ang feelings ko para sa kanya
Mabilis magpapalit-palit ng itsura
Kahapo'y inspired, ngayo'y expired na

Monday, April 10

Nangyari Nga Ba Ang Kahapon?

Ako ba'y naging mahalaga sayo
Mukang pinaasa mo lang ako
Nung binalikan ka ng ex mo
Ako'y iniwan mong lito

Kahit pala wala ako ay kaya mo
Di rin pala ako kasama sa pangarap mo
Isa lang pala akong ekstrang tao
Na maliit ang ginampanan sa buhay mo

Friday, April 7

Nung Bata Tayo

Nung bata pag umiiyak tayo
Nakukuha natin ang mga gusto natin
Ngayon pag umiyak ka
Matutuyuan ka na lang ng luha

Discount sa McDo Dahil sa Pag-Ibig Loyalty Card

Gusto mo bang maka-discount sa McDo? Kung may Pag-Ibig Loyalty Card or Loyalty Card Plus ka, sureball na ang total amount ng food bill mo ay...