Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, May 7

Naikintal Mo Sa Isip Ko

Masayang-masaya nung makilala kita
Ang puso'y kumakabog sa tuwa't sigla
Sa tuwing makikita ay hindi makahinga
Punung-puno ng buhay at pag-asa

Kukwentuhan ko kayo ng tungkol sa kanya
Para magkaideya kayo sa aming istorya
Malungkot ako, ang mahalaga'y nakilala
Nagmahal, nasaktan, nagising na mag-isa

Manggang hilaw na may bagoong
Paborito mong kainin at i-consume
Melona ice cream na mahirap hanapin
Na malapit sa pinapasukan mong building

At ang prinsesang cosplayer na si Alodia
Nakakahawig mo raw at nakakamukha
Oo nga no parang kapatid ka n'ya
Walang anu-ano'y finallow ko s'ya

Heto pa ang sikat na artista
Ang sa aki'y nagkaroon ng halaga
Paborito mo si Toni Gonzaga
Dahil sa qualities na meron s'ya

Mga bagay na nagpapaalala sa akin
Pag nasa mall ay automatic na napapatigil
Lipstick at concealer na iyong sandata
Di kumpleto ang araw pag wala sila

Iba pang bagay na mahirap limutin
Iniwas ang mata at ayaw tumingin
Pero alam ko mapapalitan din
Makakahanap muli ng bagong bituin

Advantage nga pag malapit sayo
Kesa malayo na kagaya ko
Palagi mong natatanaw sa opisina
Kaya napalagay ang loob mo sa kanya

Siguro nabasa mo ito
Kaya ganito ang ginawa mo
"Telling the truth and making someone cry is better 
than telling a lie and making someone smile."
Kasalanan lahat 'to ni Paulo Coelho
Pero ok lang atleast honest ka at totoo

Kaya siguro ang gusto mo nun kkb
Para sa huli wala akong masabi
Ito'y opinyon at hula ko lamang
Kaya wag mong bigyan ng kahulugan

Okay lang kahit di ka na magpakita
Sa FB ay na-follow ko na si Alodia
Doon kahit di n'ya ko kilala
Napapangiti sa tuwing s'ya ay nakikita

Di ako nanghihinayang at nagsisisi
Kahit di ko man nahawakan ang kamay mo
Pagkat mataas ang paghanga at respeto ko
Sa minsang nagpasaya ng puso ko

Napapaisip ako sa sinabi ng ate ko
Pawang may katotohanan ang kanyang pinayo
"Hindi n'ya kasalanan kung hindi ka n'ya gusto
At hindi mo kasalanan kung s'ya ang iyong ginusto"

Nagpapasalamat ako dahil ginising mo ko
Sa bangungot na yun na parang impyerno
Inalis mo ko sa mundong makasarili
Napapayag sa iba at iyung nakumbinsi.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.