Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
Tuesday, August 27
Ayan Na Naman Sila
Alam mo yung feeling na makakatanggap ka na naman ng email from someone na nag-subscribe ka dati kasi akala mo makakatulong sya sa problemang kinasasadlakan mo, ayun nag-email na naman.
Monday, August 26
Kapag May Work Na Ako
Heto ang mga ilang bagay na naiisip ko nung mga panahong naghahanap at wala pa kong work.
Mga bagay na ngayon ko lang naisip para makatipid at ng mas makaipon pa.
- Magbabaon na lang ng dalawang sandwich kasi mas makakamura ako kesa kumain palagi sa labas. Bibili na ko ng tasty at palaman para ihahanda ko na lamang sa bahay bago pumasok ng trabaho.
- Iwasang bumili ng bottled water or kahit anong beverages (pwede siguro tuwing sweldo lang).
- May isang sakay na maglalakad na lang. In other words, imbis na sumakay ng jeep o tricycle ay lalakarin na lang. Mabuti ito sa kalusugan at kapag di umuulan. Lalo sa ruta ko, madalas traffic pag sumasakay ako ng tricycle. Lakad na lang para di sayang oras.
- Ang budget lang dapat kada araw ay pamasahe papasok at pauwi (bawal lumagpas sa itinakdang budget).
Tuesday, August 6
My Realizations About PLDT Landline and MyDSL
Bago kami nagdesisyon na ipaputol na ang aming internet at telephone line, basahin ang mga realizations ko at ng ibang customer sa ibaba:
Kung paulit-ulit ang problema at maraming nagrereklamo, di malayong mawalan kayo ng negosyo. Sige ipagpatuloy nyo pa ang trabaho nyo, PLDT.
Magaling lang kayong mag-promote at mag-market kasi matagal at malaking kumpanya na kayo. Pero serbisyo nyo ewan.
Kaya palaging puno at blockbuster ang pila sa kahit saang branch nyo dahil halos lahat ng nandun ay magrereklamo sa serbisyong binibigay nyo. Bayad kami ng bayad pero mukang di worth it.
Thursday, July 25
Ang Digital Product o Course Mo Ba ay Ginto?
Lahat na lang ng natatanggap kong emails, lahat nagbebenta. Hindi ba sila nagsasawang kulitin ang nananahimik kong mundo?
Lahat sila gusto ng aking atensyon. Feeling ko tuloy artista ako na ang dami-daming pera o kaya'y Oppa sa isang Kdrama. :D
Tags:
emosyon,
experience,
kaisipan,
manlalakbay,
opinyon,
share,
suhestyon/tips,
tanong
Authored by:
Jethro
at
9:46 AM
2
comments
Friday, July 19
Di Porket IT ang Course, Ia-assume Mo Agad na Marunong Mang-hack
Information Technology by Nick Youngson CC BY-SA 3.0 Alpha Stock Images |
Para bang automatic agad na alam mo pag nalaman nilang IT course mo. Hindi yun ganun mga tsong.
Ang IT ay course na malaki ang nasasakop o nasasaklaw. Naririyan na eksperto sa hardware o software.
Sa case ko, programmer ako pero hindi hacker. Kaya pakiusap ko lang sa magme-message sakin na tigilan ang pagtatanong kung mare-retrieve ko ba ang account nilang na-hack.
Tags:
experience,
kaisipan,
manlalakbay,
opinyon,
paniniwala,
share,
suhestyon/tips
Authored by:
Jethro
at
12:57 PM
1 comments
Tuesday, July 16
After ng Mid-Year Sale, May After Party Pa si Lazada
(Lazada Sale: From July 13 up to 16)
Hindi mo ba napapansin na madalas mag-sale si SM. Kada buwan na lang ata may sale sila.
Naririyan din ang 3-day sale nila na naka-schedule kada branch (per batch). Halimbawa, sale ng 3-day sale ngayong buwan ng July sa SM Sucat. Tapos next month, sa ibang SM branches.
Naririyan din ang matatapos ng sale sa Lazada. Nitong July 13 lang ay nag- Mid-year sale si Lazada. At di pa dun natatapos kasi hanggang July 16 pa pala ang after party (meaning sale pa rin at extended pa ng tatlong araw).
Tuesday, July 9
Wag Maging Redundant Pagdating sa Pag-iinvest
Image by QuoteInspector.com | www.flickr.com |
Ang pag-iinvest sa Stock Market ay ikaw mismo ang mamimili ng bibilhin at ibebentang shares ng kumpanya. Habang ang equity o index fund, isang uri ng mutual fund, ay hindi direktang ikaw ang gagawa ng mga iyon. May isang Fund Manager ang magiging responsable sa pagpili ng mga mahuhusay at magagaling na kumpanya. Sila rin ang bibili at magbebenta kung sa tingin nila (base sa pag-aaral na ginawa) ay panahon na upang lumago ang ating investment. Since hindi na tayo ang direktang gumagawa nito ay mayroong 'management fee' na tinatawag subalit maliit lamang. Ang mutual fund ay pinagsama-samang pondo ng mga investors at kapag malaki na ay tsaka ibibili ng shares ng mga kumpanya.
Kung hindi ka pa sanay at confident na bumili sa Stock Market ay dapat sa mutual fund ka muna magsimula. Ito ay lalo pa kung busy ka sa trabaho mo o sa negosyo.
Monday, July 1
Matanong Nga Kita
Ikaw ba'y marupok din ba?
Sa itsura natutuon ang mga mata
Mabilis humanga at agad napatunganga
Kitang-kita nga at bibig mo'y nakanganga
Halika't nang matanong nga kita
Ang kaanyuan ba ay higit na mahalaga
Pag panget ba'y nilalayuan mo na
Parang bola, di pa nga nakikilala
Sa itsura natutuon ang mga mata
Mabilis humanga at agad napatunganga
Kitang-kita nga at bibig mo'y nakanganga
Halika't nang matanong nga kita
Ang kaanyuan ba ay higit na mahalaga
Pag panget ba'y nilalayuan mo na
Parang bola, di pa nga nakikilala
Wednesday, June 26
Ako Si Jethro
Ako si Jethro
30 years ng nandito
Malapit ng matapos ang kwento ko
At pagpahingahin ng mundo
Minsan iniisip nating may kulang
At ano nga ba ang purpose sa buhay
Tinatratong ginto ang achievements na maiiwan
Subalit pag nagamit ka, wala ka ng pakinabang
Di importante kung ika'y may pinag-aralan
Ang mga nakamit mo ay sa lupa lamang
Kung may nagawa kang nakapagpabago ng buhay
Yan ang isang bagay na di nila makakalimutan
30 years ng nandito
Malapit ng matapos ang kwento ko
At pagpahingahin ng mundo
Minsan iniisip nating may kulang
At ano nga ba ang purpose sa buhay
Tinatratong ginto ang achievements na maiiwan
Subalit pag nagamit ka, wala ka ng pakinabang
Di importante kung ika'y may pinag-aralan
Ang mga nakamit mo ay sa lupa lamang
Kung may nagawa kang nakapagpabago ng buhay
Yan ang isang bagay na di nila makakalimutan
Wednesday, June 12
Chat at Text Break
Hindi lahat ng break masaya at nilolook forward. Lalo na kung sa chat at text sya nakipagbreak sayo. Mas masakit yun kasi ni hindi mo man lang nagawang pagmasdan sya sa mga huling sandali. Naipaliwanag sana ang side mo at narinig mula sa kanyang bibig ang mga naging dahilan kung bakit gusto na nyang umalis at tapusin ang lahat sa inyo. Ang tanong naging kayo ba? O nag-assume ka lang na meron. Ang tsakit-tsakit pero di ko naman masusulat to ng walang basehan at kung di ko naranasan.
Sunday, April 7
Nagsasayang Nga Ba Ako Ng Oras?
Di ko alam kung sinasayang ko lang ang oras ko sa paglalaro ng Ragnarok M: Eternal Love sa phone ko pero nag-eenjoy ako.
Sabi sa mga articles na nababasa ko about sa usaping pera ay imbis ubusin ang oras sa paglalaro ng online games (sa computer man o cellphone) ay bakit hindi na lang magbasa ng mga makabuluhang bagay na magpapalawak ng ating kaalaman.
May punto din naman sila at may kanya-kanya tayong opinyon pagdating sa mga bagay-bagay. Sa bawat gawaing ating pinagtutuunan ng pansin at oras, hindi ba nila alam na may mapupulot din tayong aral buhat doon. Nasa sa atin na lang kung ano ang gusto nating gawin sa ating buhay.
Sabi sa mga articles na nababasa ko about sa usaping pera ay imbis ubusin ang oras sa paglalaro ng online games (sa computer man o cellphone) ay bakit hindi na lang magbasa ng mga makabuluhang bagay na magpapalawak ng ating kaalaman.
May punto din naman sila at may kanya-kanya tayong opinyon pagdating sa mga bagay-bagay. Sa bawat gawaing ating pinagtutuunan ng pansin at oras, hindi ba nila alam na may mapupulot din tayong aral buhat doon. Nasa sa atin na lang kung ano ang gusto nating gawin sa ating buhay.
Friday, March 1
Mema, March 2019
Di ka pwedeng mawalan ng trabaho dahil ang bills natin tuloy-tuloy lang ang pagdating kaya dapat tuloy-tuloy din ang pagpasok ng pera.
Gustuhin ko man magresign at gawin ang mga bagay na nais ko ay di pu-pwede at basta-basta dahil ang dami kong bayarin buwan-buwan. Kaya lang umaandar ang oras at panahon. Kung di ko pa gagawin ang mga bagay na gusto ko, kelan pa?
Gustuhin ko man magresign at gawin ang mga bagay na nais ko ay di pu-pwede at basta-basta dahil ang dami kong bayarin buwan-buwan. Kaya lang umaandar ang oras at panahon. Kung di ko pa gagawin ang mga bagay na gusto ko, kelan pa?