Di ko alam kung sinasayang ko lang ang oras ko sa paglalaro ng Ragnarok M: Eternal Love sa phone ko pero nag-eenjoy ako.
Sabi sa mga articles na nababasa ko about sa usaping pera ay imbis ubusin ang oras sa paglalaro ng online games (sa computer man o cellphone) ay bakit hindi na lang magbasa ng mga makabuluhang bagay na magpapalawak ng ating kaalaman.
May punto din naman sila at may kanya-kanya tayong opinyon pagdating sa mga bagay-bagay. Sa bawat gawaing ating pinagtutuunan ng pansin at oras, hindi ba nila alam na may mapupulot din tayong aral buhat doon. Nasa sa atin na lang kung ano ang gusto nating gawin sa ating buhay.
Naglalaro lang naman ako kasi natutuwa ako at nawiwili dahil una ganitong mga laro ang hilig ko, yun bang tipong lumalakas thru leveling up. Ikalawa, kahit na malayo ito sa business o usaping pinansyal (na hindi halatang hilig ko) ay marami akong natututunan sa aking paglalaro.
Kaya kahit nagtatalo sa isip ko ang katanungan na kung nagsasayang lang ba ako ng oras sa ganitong bagay, masasabi kong it is our own choice and preferences naman. No one can tell you what you should do because you know in yourself kung anong makakapagpasaya sayo. As long as you don't violate or step on someone else's rights, what you do is okay.
Kampante ako kasi may ipon ako at I'm on my way to building the right foundation of financial freedom. Darating ang araw na kahit di na ko magtrabaho ay mabubuhay pa din ako.
I miss blogging and writing here in my blog.
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
My Half a Year 2026 Cash Dividends From Philippine Stock Market
Nag-share ako ng total na kinita ko last year (2025) sa Philippine Stock Market . Ngayon naririto uli ako upang ibahagi ang kinita ko sa hal...
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!