Hindi lahat ng break masaya at nilolook forward. Lalo na kung sa chat at text sya nakipagbreak sayo. Mas masakit yun kasi ni hindi mo man lang nagawang pagmasdan sya sa mga huling sandali. Naipaliwanag sana ang side mo at narinig mula sa kanyang bibig ang mga naging dahilan kung bakit gusto na nyang umalis at tapusin ang lahat sa inyo. Ang tanong naging kayo ba? O nag-assume ka lang na meron. Ang tsakit-tsakit pero di ko naman masusulat to ng walang basehan at kung di ko naranasan.
Sa ngayon hindi na big deal sa akin ang lahat kasi nagkalakas loob ako na i-friend sya sa FB (that time kasi in-unfriend ko sya dahil di ko matanggap) at halata kong masaya na sya. Pag naririnig ko nga ang mga salitang ito dati na binabanggit ng ate ko (KitKat at cat) naiinis ako. Dinadaan ko na lang sa biro at binibigkas ang mga katagang ito: "minus!" (mahilig kasi maglaro ng computer games si ate kaya kunwari babawasan ko ng oras ang playing time nya). Pati tuloy ang KitKat na walang kamalay-malay at mga muning namin sa bahay na walang ginawa kundi ang ngumiyaw nadadamay. Ngayon kahit isandaang beses pa nila kong asarin (sadya man o hindi), wala ng epekto.
Lunch break, merienda break, chat break, text break o kung anumang klaseng break, kelangan yon baka kasi masyado tayong mabaliw pag wala nun. Relax and unwind (not rewind, hehe). Napapabayaan mo na marahil ang sarili mo kasi sya ang naging sentro ng buhay mo. Kung magmamahal ka, wag 100% ang ibigay. Magtira ka rin para sa sarili mo. Wag mag-invest sa di ka naman sigurado kasi kaakibat nun risk. Ayoko na ngang sumugal e. Simula't sapul naman, di ako palasugal.
Today is Independence Day. Araw para palayain ang sarili sa nakaraan at hayaan ang pusong muling magmahal.
Makakain na nga ng isa sa mga paborito kong tsokolate. "Ate, penging KitKat!" Sabay sabing,
"Have a break, have a KitKat." =)
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!