Monday, July 1

Matanong Nga Kita

Ikaw ba'y marupok din ba?
Sa itsura natutuon ang mga mata
Mabilis humanga at agad napatunganga
Kitang-kita nga at bibig mo'y nakanganga

Halika't nang matanong nga kita
Ang kaanyuan ba ay higit na mahalaga
Pag panget ba'y nilalayuan mo na
Parang bola, di pa nga nakikilala

Katawan ba ang puhunan
Para ika'y magustuhan?
Itsura rin ba ang panlaban
Para ika'y mapansin lang?

Iniisip mo isa lang s'yang ekstra
Ang papel nya'y di mahalaga
Scratch nga mula umpisa
At ang prinsipe'y hinahanap mo pa..

Kung nagustuhan ninyo ang tula ko, narito ang mga libro kong baka sakaling pumukaw pa ng inyong atensyon --> POETRY COLLECTIONS 1,2 & 3 by JETHRO SAS

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!

6 Money Habits that Will Not Make You Rich

The six poor money habits to avoid are: • Neglecting savings : Failing to set aside a portion of income (ideally 10%) consistently before pa...