30 years ng nandito
Malapit ng matapos ang kwento ko
At pagpahingahin ng mundo
Minsan iniisip nating may kulang
At ano nga ba ang purpose sa buhay
Tinatratong ginto ang achievements na maiiwan
Subalit pag nagamit ka, wala ka ng pakinabang
Di importante kung ika'y may pinag-aralan
Ang mga nakamit mo ay sa lupa lamang
Kung may nagawa kang nakapagpabago ng buhay
Yan ang isang bagay na di nila makakalimutan
Ako si Jethro
30 years na sa mundo
Walang pakialam sa edad ko
Sapagkat dadaan ka rin naman dito
Ako si Jethro
Alam na kung anong gusto
Ang buhay ay di karera
Na may paunahan at kumparahan sa iba
Oo nga't may starting at finish line
At ika'y tatakbo sa hamon ng buhay
Subalit wala kang dapat patunayan
Ang mahalaga'y nag-enjoy sa daan
Tumakbo ka, tumakbo ako, tumakbo tayong lahat
Bumuo ng magagandang alaala at mangarap
Ang payo ko'y huwag maging isang bulang mailap
Na ang tanging layunin ay mawala sa isang iglap.
Kung nagustuhan ninyo ang tula ko, narito ang mga libro kong baka sakaling pumukaw pa ng inyong atensyon --> POETRY COLLECTIONS 1,2 & 3 by JETHRO SAS

Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!