Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, December 15

Flyff Universe, Ang Bagong Kinaaadikan Ko

Hindi ko man nai-blog ang larong Genshin Impact, naririto muli ako upang sumulat tungkol sa larong Flyff Universe.

Nung mabalitaan kong bumalik uli ang Flyff at pwede ng laruin kahit sa browser lang ay nagpasya akong subukan muli. Nakapaglaro na kasi ako nito dati nung nasa college pa ko. Yung iniinstall pa sa computer.

Ayun sobrang naeenjoy na namin ni Ate Eka ang paglalaro nito at iniwan ang larong Genshin Impact sa kadahilanang sobrang bigat nito sa pc at napakatagal ng istorya. Kung may updates man ay puro side quests/stories at mukang aabutin pa ng mga taon bago matapos ang buong istorya.

Anyway, balik tayo dito sa Flyff Universe. Bukod sa naglelevel up ang mga characters at nakakasalamuha ng ibang players ay kumikita kami dito sa simpleng paglalaro lang. Yun ay sa pamamagitan ng pagbebenta ng penya (in game money) sa ibang players na nais lumakas (pay-to-win instead of free-to-play).

Masaya ang feeling na may extra income kami ng ate ko sa paglalaro at paglalaan ng oras sa larong ito.

Muli, di masamang mag enjoy sa paglalaro ng computer games basta yung tama lang at di sosobra. Tandaan na alagaan pa rin ang kalusugan at wag puro laro ang atupagin. Mas maganda pa ring may interaction sa mga mahal natin sa buhay pagkat ang buhay ay maikli lamang at sobrang bilis nitong lilipas.

Bago ko tapusin ang post kong ito eh gusto ko lang sabihin na ipagpapatuloy pa rin namin ang paglalaro nito sapagkat kahit papano ay kumikita kami.

Maraming salamat sa iyong pagbabasa kaibigan.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, November 19

Bagong OPM Songs 2022

Naririto ang mga bagong kanta na nagpa LSS sakin. I-search sa Google or hanapin sa YouTube. Enjoy!

  • Ikaw Lang by Nobita
  • Paraluman by Adie
  • Mahika by Adie and Janine Berdin
  • Pagsamo by Arthur Nery
  • Binibini by Zack Tabudlo
  • Habang Buhay by Zack Tabudlo
  • Pano by Zack Tabudlo

Note: Nalaman ko lang ito dahil madalas itong gamitin sa Save the Date or Same Day Edit ng wedding. =)


Sunday, October 30

Tech Sites I Wanna Try

These are the tech sites I wanna try someday that I used to bookmark in my favorite web browser (Google Chrome):

  • https://www.netlify.com/ (Netlify) - no need to have a manual deployment of your site to the web environment. In other words, it's like an automatic CI/CD.
  • https://firebase.google.com/ (Firebase) - owned by Google, is where you deploy and publish your apps and games instantly and smoothly. You can monitor its statistics and performance online.
  • https://www.heroku.com/ (Heroku) - just like Firebase, Heroku makes the app development the focus of the scene. No need to worry how it will get deployed and published. All the company needs to worry about and focus their time with is thru developing their apps and games.
  • https://pages.github.com/ (Github Pages) - if you are a developer and looking to market your portfolio/projects, then all you have to do is to have a website for that. And that where Github Pages comes in. Check that out and start making your website now.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Monday, October 17

Dates, Favorite Ko!

Unahan na kita baka yung dates na lalabas at kakain kayo ng boyfriend o girlfriend ang iniisip mo. Ibang dates ang tinutukoy ko.

Yung matamis na lasang kamote na very well-known sa ibang bansa lalo na sa Middle East. Yun yun! Naaalala ko dati pag nagbabakasyon sa Pilipinas si Papa, may uwi s'yang ganun at nagpapakasasa ako sa pagkain nun. Kahit yata ilan nun kaya kong ubusin.

Pero ngayon nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Pati yung dates na ipinaliwanag ko sa itaas eh nilu-look forward ko na rin haha!

Tara Cat, date tayo!

Dalawa na silang paborito ko. Ang prutas at ang araw.

Thank you for reading! =)


Sunday, October 16

CR Na May Bayad?

Bakit kaya may mga establishments na nagpapabayad sa paggamit ng Comfort Room (CR) o Rest Room (RR?)?

Nagtataka rin ako bakit may mga ganun eh ang ibang malalaking malls nga libre ang paggamit ng CR nila pero sa iba aba may bayad.

Naiintindihan ko para may maipangbayad sa paglilinis, pagme-maintain at kumpleto pa dahil may ibinibigay na pwede mong magamit sa pag business sa loob like tissue, etc.

Pero yung iba kasi overcharge di ko alam kung bakit. Oo well-maintained, mabango at very clean pero minsan 10 or 15 pesos ang singil. Eh mabilis ka lang naman iihi sa loob, maliban kung magjejebs ka.

Anyway, di ako against sa nagpapabayad pero sana yung affordable. Kung ibang malls nga and fast food chain wala bakit kaya kayo meron?

Maraming salamat sa pagbabasa, kaibigan.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, September 24

Selling Digital Files: Gumroad

Grabe ang bilis ng panahon at matatapos na naman ang buwan ng September. Ilang araw at Linggo na lang at October na naman. Palapit na ng palapit ang kapaskuhan.

Anyway, sesegway muna ko at ipo-promote ang bagong selling digital files site ko, ang Gumroad.

Nagpasya akong gumawa ng account doon sapagkat nabasa ko sa medium articles na isa yun sa paraan para kumita ng extra income at makabenta ng mga digital files online like eBooks, PDFs, at kung anu-ano pa.

Nagpapabayad na kasi yung dating gamit ko na site (Sellfy) kaya itinigil ko na ang paghohost ng mga files ko doon at nagpasyang mag Google Drive na muna. Kaya lang masyadong hassle...

Buti at nakahanap ako ng bago at talagang free to use na kagaya ng Sellfy noon. Heto at ipopost ko ang mga tagalog poetry books ko na nakahost sa Gumroad.

Sana ay suportahan ninyo ako. Maraming salamat!


Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, August 28

Kwento Muna Ako

Bago man lang matapos ang buwan ng Agosto ay dapat may maipost man lang ako dito sa blog ko.

Grabe no ang bilis ng araw at panahon. Ilang araw na lang mag Setyembre na naman. Makikita na naman natin si Jose Mari Chan sa ating Facebook newsfeed. Maririnig na naman natin ang walang kamatayang Christmas In Our Hearts na sadyang nakaka-LSS (Last Song Syndrome).

Anyway, malapit na rin ang araw na matagal ko ng hinintay mula ng nagkamalay ako sa mundo ng pag-ibig. Mahigit kulang tatlong buwan na lang at makakawala na ko sa buhay single. Excited na may kaunting kaba pero naniniwala ako na tama ang desisyon ko at masaya ako sa babaeng makakasama ko habambuhay.

Ikaw anong bago sa buhay mo ngayon? Feel free to share your story in our comment section below.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, July 31

LinkedIn na ang In Ngayon sa Job Marketplace

Dati sa JobStreet at JobsDB sites ako naghahanap ng trabaho. Pero ngayon sa LinkedIn na. Naroroon pa nga na nakapagtry ding makapag Facebook Jobs kaso diniscontinue na agad nila.

Anyway, kung naghahanap ka ng way para magkaroon ng trabaho, maraming medium para makatagpo ka. Basa basa ka lang ng mga blogs at search search sa Google.

Basta proven na tong LinkedIn at siguradong mahahanap mo ang soulmate job mo. Magtiwala ka lang.

Heto pala ang old blogpost ko tungkol sa JobStreet kung saan ako nagmamass sending out ng resume ko noon.


Tara na't basahin. Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, July 16

GCash: The Best E-wallet Ko

Nasa digital world na nga tayo. Kung dati sa tuwing magbabayad tayo ng ating pinamili ay dalawa o tatlong options lang ang pwede nating gamitin: cash, credit card at debit card.

Ngayon hindi mo na kailangang magdala ng pera o cash sa tuwing aalis ka at pupunta ng mall. Pag may pinamili ka at magbabayad na, makikita mong may nakapaskil na GCash at PayMaya (Maya) sa tabi ng cashier.

Pati nga pagbabayad ng iba't-ibang klase ng bills ay pwede mo ng magawa using GCash. Ika nga e-wallet o electronic wallet. Dati-dati nagpupunta pa kami sa mga bayad centers para lang bayaran ang mga utility bills (even credit cards). Take note: kumakain pa yun ng oras at effort (at pwede ka pang mapagastos along the way).

Anyway, masaya ako at tinangkilik na ng mga Pilipino ang digital o electronic wallet. Kahit nga convenience stores at mga ordinaryong tindahan ay tumatanggap na rin ng online transfer at bayad. Kaya kung wala ka pang account at hindi mo pa nararanasan ang mga benepisyong dulot ng mga e-wallets na ito, simulan mo nang gumawa ng account (basta maging maingat lang at wag ishe-share yung pin, otp o magclick ng link sa email o text para iwas hack at spam).

Muli, GCash ang the best e-wallet ko at sakalam!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, July 10

Banat Lines ng Hello Chocolate

Smile ka naman diyaaan! BOOM! PERFECTION.

Magkakasakit ata ako kasi all I'm lacking is Vitamin U.

Nag pa blood test ako. Ayun nakita nila na ikaw ang type ko.

Walang sinabi ang dictionary. Ikaw lang kasi nakapagbigay ng meaning sa buhay ko.

Forget "friends forever" kasi malay mo tayo na later.

Floorwax ka ba? Crush kasi kita. Ay oops, nadulas ako.

What's your favorite country? Mine's UK. I like U, K?

Sige asarin mo ko. Kasi if revenge is sweet, ako pa kaya?!

May sakit ka ba? "Yakap-sule" at "Kiss-pirin" lang gamot diyan.

Earthquake ba yun? Cos when I saw you, I was shookt.

Pwede ka ba makasama sa gym? Para maging fit tayo together.

Dati gusto lang kita ma-meet. Ngayon, gusto na kitang makamit.

May mali ba sa akin? Hayaan mo na, may tama naman ako sa'yo.

Matalino ka ba? Explain mo nga itong feelings ko para sa'yo.

Do you have a name or can I call you mine?

You’re my dream. Please come true.

Your smile is literally the cutest thing I have ever seen in my life.

Kung ita-TAG kita sa puso ko, ila-LIKE mo kaya?

Para kang charger… kasi you fill up my emptiness.

Parang wala ako sa sarili ko. Siguro nasa iyo ako.

Need mo pa ba ang NOTIFICATION para ma-gets mo na LIKE kita?

You're approachable and dependable, at higit sa lahat, ikaw ay ang ultimate JOWAble.

Walang diet-diet kasi ngiti mo pa lang, busog na ako.

Okay lang kung mahilo ako kung siguradong sa'yo lang iikot ang mundo ko.

Sa liit ng kamay mo, paano mo nahawakan ang buong mundo ko?

Para kang Gravity... GRABEH TEH, attracted ako sa'yo.

Excited ako mag "wake up" kasi makikita ko agad ang mundo ko "ekaw pu" (ikaw po).

Ang hirap mag-isip ng pick up lines lalo na kung ikaw lang yung laman ng isip ko.

Kidlat ba yun o tayo lang 'yun?! May spark eh!

On a scale of 1-10, always remember, you're an 11.

Kung sa MRT nga nagkakasya ka pa, sa puso ko pa kaya?

Ok lang na araw-araw ang Undas. Kasi sa bawat araw, patay na patay ako sa'yo.

You're not just an ordinary bae. You're KAKAI-BAE.

Yung ngiti mo pa lang, na-rescue mo na ako... BAEyani ka!

Ang wish ko sa Pasko? Disyembre, ikaw!

Pag sinabi mo "Peace be with you", sasagot ako, "Pls be wid me".

Ayaw ko maging superman coz if I will be a superhero, I wanna be Yourman :)

Forget "How to be u?". The real question is - "How to be urs?"

Right angle, left angle... Basta anghel, maganda ang angle.

Kung ang battery may AA, ikaw naman ang BB ko.

Mas nakakabulag ka pa sa araw kasi nung dumaan ka, ikaw na lang ang nakita.

Nabibigatan ka ba sa kamay mo? Hawakan ko na lang para sa'yo.

Sira yata yung relo ko kasi humihinto ang oras 'pag magkasama tayo.

Ang favorite animal ko? COW. COW lang gusto ko.

Frontview, backview... wala nang mas gaganda pa sa Iloview.

Ikaw ba si Coco? Ang coco-mpleto ng buhay ko...

Gusto kong mag-aral ng Pharmacy. Pharmacy-guro kong maging akin ka.

Magugulatin ka ba? Kasi pag ginulat kita, shockin ka na!

You're my "shur na shur" in this world full of "char lang".

Takot ako sa multo, pero mas takot ako na mawala ka sa buhay ko.

Balak ko lang tumawid sa isip mo pero dumiretso ako sa puso mo.


#HelloChocolate
JACK 'n JILL (Choco-Coated Chocolate Filled Wafer Sandwich)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, July 9

NWOW Ebike Worth It ang Pagbili

Worth it talaga ang ibinayad namin na 56K noong 2020, kasagsagan ng COVID19, para bumili ng ebike (ERV S).

Di kami nagdalawang isip ng ate ko na bumili sa kabila ng napakataas na halaga nito.

Ayun nagagamit namin sa pamamalengke, pagbili ng pagkain ng mga alagang pusa at aso at pagpunta sa Lakefront tuwing Linggo ng umaga para mag badminton.

Never pa namin itong napalitan ng parts like baterya at kung anu-ano pa. Ang tanging bagay lang na nagawa namin dito ay napahanginan ang mga gulong sa vulcanizing shop at mag change oil na natutunan lang namin sa YouTube.

Maingat din kami sa pagcha-charge at iniiwasan namin na mag over charging. Isa kasi yun sa numero uno na nakakasira ng baterya.

Hindi namin ipinang nenegosyo ito at baka sitahin at hulihin kami. Binili namin ito for personal at family use (private).

By the way, sa Lower Bicutan branch Taguig kami bumili at ang name ng store nila ay TailG Marketing Electric Bicycle


Personal Blogs - Blog Top Sites

Thursday, June 30

Mag-eexit Na Si ING Sa Pilipinas

Nalungkot ako nung mabasa at malaman na mag-eexit na si ING sa Pilipinas bago matapos ang taong 2022.

Mag-aannounce pa naman uli sila kung kelan at nagpaalala na safe naman sa kanila ang mga savings ng kliyente nila.

Pero anytime soon ay ililipat ko na sa ibang digital bank/s ang ipon ko para mas lumago at lumaki pa ito.

Muli, nagpapasalamat ako sa pagbibigay ng 4% per annum at masaya ako na nag-impok at nagpark ng savings sa ING.

More power ING! Maraming salamat. =)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Tuesday, June 14

Grabe ang Laki ng ATM Withdrawal Fees

Grabe sa tuwing magwiwithdraw ako ng pera sa ATM tapos magkaibang bank eh di ko makuhang manghinayang sa 18 pesos na kaltas.

No choice ako eh lalo na pag kailangan ko ng pera tapos wala akong mahanap na kaparehang bank ng debit card ko.

Kaya ayun, ba-bye 18 pesos. 😂

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, June 4

Elements I Forgot to Incorporate to My 3 Poetry Books

  • title on the edge or side of the book
  • pages (counter)
  • table of contents

I think those are the things that my books lack of. We usually see those elements in books.

But I guess I won't pursue them anymore as eBooks or digital products are where my interest now.

Thanks for reading this short blog post of mine. =)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, May 28

Mga Supermarket at Convenience Stores sa Pinas

Grabe dati 7-Eleven lang ang bukod tangi at namamayagpag subalit ngayon, kahit saan ka tumingin eh kabi-kabila na ang mga supermarket at convenience stores dito sa Pinas.

Nandyan ang Walter Mart, Puregold, Dali Everyday Grocery, Alfamart, AllDay Supermarket, Ministop, Family Mart at marami pang iba.

Magugulat ka na lang dahil kahit san ka magawing lugar ay malaki ang porsyento na makakakita ka ng alinman sa mga ito.

Kaya kapag may kailangan kang bilhin ay nandyan sila para sa mga pangangailangan mo.

Tara, bili na!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 22

Cash Dividends From My Stock Portfolio

Grabe passive income na naman mula sa Philippine stock portfolio ko. Kahit matagal na kong di nakakapag-invest uli, heto't nakatanggap na naman ng cash dividends mula sa dalawang higanteng kumpanya dito sa Pilipinas. Ang Meralco (MER) at Jollibee (JFC).

Masaya sa pakiramdam ang makakuha ng additional income mula sa mga investments natin. Matagal na kong advocate ng paglalagak ng extrang pera sa Philippine Stock Market at madalas ko itong nababanggit sa dating blog ko na jethrosas.com

Sana ikaw rin nag-iinvest dahil hindi lang ikaw ang makikinabang sa ininvest mo kundi ang kumpanyang pinagkatiwalaan mo at nilagakan ng pera. Magagamit nila ang mga perang nalikom nila para mas mapalawak pa at mas mapaganda pa ang kanilang serbisyong ibinibigay sa atin.

Muli maraming salamat Meralco at Jollibee. Sya nga pala pag sinabing JFC eh hindi lang Jollibee ang sakop nito kundi kasama rin ang mga sister company nito na kinabibilangan ng Chowking, Greenwich, Mang-Inasal, Red Ribbon, Burger King Philippines at marami pang iba. Kaya kahit san ka kumain dyan eh kumikita ang may-ari ng Jollibee. :)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 8

Z-Lasik Plan at Shinigawa, Ortigas Branch

Nakakita ako ng 3 blogposts na naglalahad tungkol sa z-lasik para luminaw ang dating malabong mga mata.

Nakakaengganyo dahil mula highschool ay nakasalamin na ko. Nais kong maranasan ang magkaroon ng 20/20 vision subalit naroroon ang kaba kung safe nga ba sumailalim sa ganoong operasyon at magkano ang magagastos.

Naririto at basahin ang mga nasabi kong blogposts mula sa kapwa nating pinoy na blogger.

Blogpost1

Blogpost2

Blogpost3

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, May 1

Internet Service Providers Sa Pinas

Ikaw ba ay naghahanap ng mura at reliable na internet broadband plans dito sa Pinas?

Maraming pagpipilian subalit dapat ay pag aralan at pag isipang maigi dahil karamihan sa kanila ay may contract or lock-in period na kapag nakabitan ka na eh hindi ka basta basta makakapag end ng contract. Unless babayaran mo yung natitirang buwan doon sa lock-in period plus other fees (pero depende pa rin ito sa Internet Service Provider kaya dapat basahing maigi ang contract/terms & conditions bago magpakabit).

Anyway, naririto ang isang article na tungkol sa Internet Service Providers at mga iba't-iba nilang broadband plans sa Pinas. Basahin at magsaliksik. :)


Personal Blogs - Blog Top Sites

Monday, April 18

Best Sixpence None the Richer Songs

I will post here some of the best Sixpence None the Richer songs. I hope you find them cool and interesting. Enjoy!
  • Breathe Your Name
  • Breathe
  • Don't Dream It's Over
  • Kiss Me
  • There She Goes

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, April 17

Best Michelle Branch Songs

I will post here some of the best Michelle Branch songs. I hope you find them cool and interesting. Enjoy!
  • All You Wanted
  • Are You Happy Now
  • Breathe
  • Desperately
  • Everywhere
  • Find Your Way Back
  • Goodbye to You (Acoustic)
  • Goodbye to You
  • Here With Me
  • I'd Rather Be In Love
  • I'll Always Be Right There
  • Leave the Pieces
  • Need to Be Next to You
  • One of These Days
  • Second Chances
  • Something to Sleep to
  • Til I Get Over You
  • The Game of Love (with Santana)
  • Tuesday Morning
  • Where Are You Now
  • You Get Me
  • You Set Me Free

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, April 16

Best Evanescence Songs

I will post here some of the best Evanescence songs. I hope you find them cool and interesting. Enjoy!
  • Anywhere
  • Away from Me
  • Bring Me to Life
  • Call Me When You're Sober
  • Forgive Me
  • My Immortal (Acoustic)
  • My Immortal

Personal Blogs - Blog Top Sites

Friday, April 15

Best Avril Lavigne Songs

I will post here some of the best Avril Lavigne songs. I hope you find them cool and interesting. Enjoy!
  • Anything But Ordinary
  • Complicated (Acoustic)
  • Complicated
  • Don't Tell Me
  • I'm With You
  • Keep Holding On
  • Knockin' on Heaven's Door
  • Losing Grip
  • My Happy Ending
  • Nobody's Home
  • Sk8ter Boi
  • Tomorrow
  • Why

Personal Blogs - Blog Top Sites

Thursday, April 14

GOMO o DITO: Alin Ang Maganda?

Ikaw ba ay naghahanap ng prepaid sim na may data? Para kahit nasaan ka ay pwede kang makakonek sa internet. O baka naman inis na inis ka na dahil madalas mawala ang broadband connection nyo sa bahay mapa PLDT, Globe, Sky o Converge man yan.

Naririto ang dalawang sikat na sikat ngayon na prepaid sim na nakasentro sa data. 


Basahin ang article at iclick ang link sa itaas at nang malaman kung paano nga ba.

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, March 27

Minute Burger Franchise Package

Nadaanan ko lang ito sa Facebook newsfeed ko at pumukaw ito sa akin.

Matagal na akong business-minded pero alanganin ako sa physical store o pagpa-franchise.

Looks enticing and interesting pero ilagay ko na lang muna rito sa blog ko at baka interesado kayo.

Minute Burger Franchise Package. Check nyo na at baka eto na ang maging susunod na negosyo mo.

Enjoy!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, March 26

Wedding Souvenirs

We are still thinking on what souvenirs, giveaways, favors or whatever you call it, which we are going to give on our big day this December 2022.

Sa kakahanap ko sa Shopee or Google, I stumble upon this site and I think it could give you ideas if you are looking for possible giveaways as well.

Go ahead and check it out:

Wedding Giveaway Ideas

Thank you! :)

Wednesday, February 23

Recommended Tech YouTubers

That You Should Subscribe To


I will list here all recommended tech youtubers that I subscribed in YouTube. It all depends on you if you want to follow them and watch their content. Feel free to check them out especially if you're into programming, tech tips and the like.


Note: I will update it from time to time whether I will delete from the list or add new ones. Thank you.

Monday, February 21

Automatic Washing Machine

Nakakamangha at sobrang nakakabilib nitong Automatic Washing Machine simula ng binili namin ito sa Puregold, Lakefront taong mid 2019. Ang brand nito ay Hanabishi. Kagaya lang din ito ng regular washing machine with dryer subalit dito ay ihahanda at ise-setup mo lang ang lahat ng labahin mo, lalagyan ng detergent (powder or liquid), tapos iiwanan mo lang ng isang oras. Pagbalik mo ready to get at pwede ng isampay. Halos tuyo na ang mga nalabhan at pwede mo ng suotin makalipas ang 1 o 2 oras na nakasampay (depende rin sa panahon kung tag-araw o tag-ulan).

Sobrang nakatipid kami sapagkat dati ay nagbabayad pa kami sa maglalaba ng mga damit namin tuwing Linggo. Kaya nirerecommend ko rin sa inyo na kumuha at bumili na rin kayo. Though may kamahalan ang presyo nito na humigit kumulang 10,000 pesos. Pero worth it naman at malaking kaginhawaan at katipiran ang dulot nito sa amin. Parang rice cooker lang yan na ise-setup mo lang sa simula; lalagyan ng bigas, huhugasan, lalagyan uli ng eksaktong tubig, isasaksak sa kuryente, io-on then pagbalik mo may mainit na kanin ka na. Ang kagandahan pa ay halos wala pang gaanong tutong.

O sya napapahaba ang blogpost ko na ito.  Maraming salamat sa pagbabasa kaibigan.

English post dapat eto at nakapagdraft na ko before. Kaya lang walang time maipost. Kaya eto na:

I can't help myself but staring at our almost 3-year old automatic washing machine. Up to now, I can't conceal the excitement whenever we use it. The wonders of technology is amazing! :)

Sunday, February 13

Kelan Pwedeng Magpa-Booster Shot?

Sa mga nalilito pa rin kung kelan pwedeng magpa-booster shot matapos ang 1st and 2nd dose nila, naririto ang ilang bagay na dapat mong malaman.

- Dapat lumipas na ang tatlong buwan matapos silang mabakunahan ng 2nd dose. At kabilang sa uri ng vaccine na pasok rito ay ang mga sumusunod:

• Astrazeneca

• Moderna

• Pfizer

• Sinovac

• Sputnik

- Habang dalawang buwan lang kung ikaw ay nabakunahan ng Janssen (Johnson & Johnson).

Kaya tara na't magpa-booster shot. Hindi lang ito para sa kapakanan mo kundi para sa ikabubuti ng mga taong nakapaligid sayo.

Mahal mo sila diba, kaya wag ng magpabukas-bukas pa. Hikayatin mo rin sila.  =)

Saturday, February 12

Magkano Na Ba Ang Kinita Ko Sa Adsense?

Ang tagal tagal ko ng nagba-blog, year 2008 pa at nilagyan ko na rin ng Adsense, hanggang ngayon di pa rin nakakapag-cash out.

Naroroon na na-monetize din ang Youtube channel ko (kung san connected din ang Adsense ko) nung mga panahon na di pa naghihigpit sa qualifications si Youtube pero ngayon demonetized na sapagkat hindi enough ang subscribers and number of hours watch ko.

14 years na ang nakakalipas, 48 usd pa rin ang laman ng Adsense account ko. Hindi ko ma-encash dahil may minimum cashout na 100 usd.

Ang hirap pala kumita sa pagba-blog (sumulat ng article post/content) or pagva-vlog (paggawa ng video content sa Youtube) unless may big audience ka na at consistent ang pag-gather mo ng views or pageviews. Kaya kudos dun sa mga kumikita online kahit na minsan yung content nila non-sense na at puro lang patawa. Pero wala eh isa yun sa malakas at mabenta sa tao.

Hopefully in the future mag-surge itong views ko nang ma-reach ko na ang minimum cashout na 100 us dollars.

Maraming salamat sa pagbabasa.

Tuesday, February 1

Is it Gong Xi Fa Cai or Kung Hei Fat Choi?

Grabe samo't saring newsfeed ang nakikita ko sa Facebook na nagpopost ng Gong Xi Fa Cai at Kung Hei Fat Choi. Subalit ano o alin nga ba sa dalawa ang tamang gamitin? Naalala ko kasi nung bata ako Kung Hei Fat Choi ang madalas kong marinig subalit ngayon may bago na which is etong Gong Xi Fa Cai. Medyo nakakalito kaya ating himay-himayin kung alin nga ba at ano ang kaibahan nila sa isa't isa.

Ang Gong Xi Fa Cai is a Mandarin phrase habang ang Kung Hei Fat Choi is a Cantonese phrase.

Alam naman natin na ang Mandarin ang official state language sa China at ito rin ang main dialect sa Taiwan and Singapore. 933 million ang Mandarin first-language speakers sa China at bumubuo ng 61.2% na katao sa China.

Samantalang ang Cantonese naman ay ang sinasalita sa Hong Kong, Macau at iba pang parte ng China. Tinatayang 84 million naman (as of 2020) ang native Cantonese speakers sa China at bumubuo ng 4.5% na katao sa China.

Ang dalawang phrases na ito ay parehas lang na common greeting during Chinese New Year. At ang ibig sabihin ay "Congratulations and prosperity to you!".

Actually, Xin Nian Kuai Le literally translates as "New Year Happiness" and means "Happy New Year" in Mandarin. Mas formal yan at karaniwang binibigkas sa ibang tao. Samantalang, Xin Nian Hao naman ang madalas sambitin sa mga kakilala, kaibigan at kapamilya.

Kung gusto mo lang bumati ng Happy Chinese New Year ay Xin Nian Kuai Le o Xin Nian Hao ang dapat gamitin. Mandarin phrase ito at mas marami ring gumagamit. Ibig ding sabihin mas maraming makakaintindi sa iyo.

Subalit kung gusto mo lang bumati ng Congratulations and prosperity to you! eh kahit alin sa dalawa ang iyong gamitin: Gong Xi Fa Cai man or Kung Hei Fat Choi. Iisa lang naman ang kahulugan nilang dalawa. Siguro gusto mo lang din sumabay sa uso kagaya ko. :D Biro lang. Pero sakin, Kung Hei Fat Choi talaga ang nakalakihan ko mula nung pagkabata. At sa aking pagsasaliksik, nakita ko na may film na naipalabas na pala noong 1985 ang Hong Kong na ang title Kung Hei Fat Choy. Kaya siguro mas sumikat na gamitin ang Kung Hei Fat Choi ay dahil na rin sa movie na iyon. Pero ngayon dahil sa internet at social media, napag alaman natin na may Gong Xi Fa Cai rin pala at ayaw pahuli.

Anyway, I hope nabigyang linaw ang pagkakaiba nilang dalawa. Maraming salamat sa pagbabasa, kaibigan. :)

Monday, January 31

Pinagkaiba ng Malapot at Malabnaw

Sa totoo lang tuwing naririnig ko ang dalawang salitang ito ay naguguluhan ako kung alin ba sa kanila ang tamang gamitin. Madalas ko kasi syang naririnig pag gumagawa ako ng gelatin. Hindi ko alam kung yung condensada at evaporada na gatas na ginagamit ko ay malapot o malabnaw.

Pero matapos ang aking pagsasaliksik ay nalinawan na ako. Alam ko na ang pagkakaiba nila sa isa't isa.

Ang malapot ay liquid na kapag iyong ibinuhos ay mabagal umagos kagaya ng condensada.

Samantalang ang malabnaw ay kabaliktaran na mabilis umagos kagaya ng evaporada.

Ang ilan pang halimbawa ng malapot ay glue at toothpaste; habang ang malabnaw ay toyo at patis.

Ayan malinaw na sa atin este sakin ang pagkakaiba nila. Kung naguguluhan ka rin kaibigan sana ay natulungan ka ng blogpost na ito. :D

Sunday, January 23

Ang Utang na Load

Naranasan mo na ba ang ganito
Makautang ng load sa iyong katrabaho
Ako noon ginawa ko syang negosyo
Sideline ko noon na unti unting tumubo

Eto sumulat ng tula na kung anu-ano
Walang kabuluhan at maikwento
Sinisipag kahit busy sa trabaho
Senyales na tumatanda na yata ako

Ang utang na load ay dapat bayaran
Dapat singilin dahil nakakalimutan
Baka mabaliktad pa at ika'y masabihan
May utang na loob ka diba kaya kwits lang. :D