Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Saturday, February 12

Magkano Na Ba Ang Kinita Ko Sa Adsense?

Ang tagal tagal ko ng nagbblog, year 2008 pa at nilagyan ko na rin ng Adsense, hanggang ngayon di pa rin nakakapag-cash out.

Naroroon na na-monetize din ang Youtube channel ko (kung san connected din ang Adsense ko) nung mga panahon na di pa naghihigpit sa qualifications si Youtube pero ngayon demonetized na sapagkat hindi enough ang subscribers and number of hours watch ko.

14 years na ang nakakalipas, 48 usd pa rin ang laman ng Adsense account ko. Hindi ko ma-encash dahil may minimum cashout na 100 usd.

Ang hirap pala kumita sa pagbblog (sumulat ng article post/content) or pagvvlog (paggawa ng video content sa Youtube) unless may big audience ka na at consistent ang pag-gather mo ng views or pageviews. Kaya kudos dun sa mga kumikita online kahit na minsan yung content nila non-sense na at puro lang palatawa. Pero wala isa yun sa malakas at mabenta sa tao.

Hopefully in the future mag-surge itong views ko nang ma-reach ko na ang minimum cashout na 100 us dollars.

Maraming salamat sa pagbabasa.

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.