Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Monday, January 31

Pinagkaiba ng Malapot at Malabnaw

Sa totoo lang tuwing naririnig ko ang dalawang salitang ito ay naguguluhan ako kung alin ba sa kanila ang tamang gamitin. Madalas ko kasi syang naririnig pag gumagawa ako ng gelatin. Hindi ko alam kung yung condensada at evaporada na gatas na ginagamit ko ay malapot o malabnaw.

Pero matapos ang aking pagsasaliksik ay nalinawan na ako. Alam ko na ang pagkakaiba nila sa isa't isa.

Ang malapot ay liquid na kapag iyong ibinuhos ay mabagal umagos kagaya ng condensada.

Samantalang ang malabnaw ay kabaliktaran na mabilis umagos kagaya ng evaporada.

Ang ilan pang halimbawa ng malapot ay glue at toothpaste; habang ang malabnaw ay toyo at patis.

Ayan malinaw na sa atin este sakin ang pagkakaiba nila. Kung naguguluhan ka rin kaibigan sana ay natulungan ka ng blogpost na ito. :D

1 comment:

  1. Hi Jeth, nice one... ngayon alam ko na rin pagkakaiba nila. Keep writing.

    ReplyDelete

Hello!

Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!