Hindi ko man nai-blog ang larong Genshin Impact, naririto muli ako upang sumulat tungkol sa larong Flyff Universe.
Nung mabalitaan kong bumalik uli ang Flyff at pwede ng laruin kahit sa browser lang ay nagpasya akong subukan muli. Nakapaglaro na kasi ako nito dati nung nasa college pa ko. Yung iniinstall pa sa computer.
Ayun sobrang naeenjoy na namin ni Ate Eka ang paglalaro nito at iniwan ang larong Genshin Impact sa kadahilanang sobrang bigat nito sa pc at napakatagal ng istorya. Kung may updates man ay puro side quests/stories at mukang aabutin pa ng mga taon bago matapos ang buong istorya.
Anyway, balik tayo dito sa Flyff Universe. Bukod sa naglelevel up ang mga characters at nakakasalamuha ng ibang players ay kumikita kami dito sa simpleng paglalaro lang. Yun ay sa pamamagitan ng pagbebenta ng penya (in game money) sa ibang players na nais lumakas (pay-to-win instead of free-to-play).
Masaya ang feeling na may extra income kami ng ate ko sa paglalaro at paglalaan ng oras sa larong ito.
Muli, di masamang mag enjoy sa paglalaro ng computer games basta yung tama lang at di sosobra. Tandaan na alagaan pa rin ang kalusugan at wag puro laro ang atupagin. Mas maganda pa ring may interaction sa mga mahal natin sa buhay pagkat ang buhay ay maikli lamang at sobrang bilis nitong lilipas.
Bago ko tapusin ang post kong ito eh gusto ko lang sabihin na ipagpapatuloy pa rin namin ang paglalaro nito sapagkat kahit papano ay kumikita kami.
Maraming salamat sa iyong pagbabasa kaibigan.
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.