Nasa digital world na nga tayo. Kung dati sa tuwing magbabayad tayo ng ating pinamili ay dalawa o tatlong options lang ang pwede nating gamitin: cash, credit card at debit card.
Ngayon hindi mo na kailangang magdala ng pera o cash sa tuwing aalis ka at pupunta ng mall. Pag may pinamili ka at magbabayad na, makikita mong may nakapaskil na GCash at PayMaya (Maya) sa tabi ng cashier.
Pati nga pagbabayad ng iba't-ibang klase ng bills ay pwede mo ng magawa using GCash. Ika nga e-wallet o electronic wallet. Dati-dati nagpupunta pa kami sa mga bayad centers para lang bayaran ang mga utility bills (even credit cards). Take note: kumakain pa yun ng oras at effort (at pwede ka pang mapagastos along the way).
Anyway, masaya ako at tinangkilik na ng mga Pilipino ang digital o electronic wallet. Kahit nga convenience stores at mga ordinaryong tindahan ay tumatanggap na rin ng online transfer at bayad. Kaya kung wala ka pang account at hindi mo pa nararanasan ang mga benepisyong dulot ng mga e-wallets na ito, simulan mo nang gumawa ng account (basta maging maingat lang at wag ishe-share yung pin, otp o magclick ng link sa email o text para iwas hack at spam).
Muli, GCash ang the best e-wallet ko at sakalam!
Oo Jet, para sa akin one stop shop ang Gcash.
ReplyDelete