Worth it talaga ang ibinayad namin na 56K noong 2020, kasagsagan ng COVID19, para bumili ng ebike (ERV S).
Di kami nagdalawang isip ng ate ko na bumili sa kabila ng napakataas na halaga nito.
Ayun nagagamit namin sa pamamalengke, pagbili ng pagkain ng mga alagang pusa at aso at pagpunta sa Lakefront tuwing Linggo ng umaga para mag badminton.
Never pa namin itong napalitan ng parts like baterya at kung anu-ano pa. Ang tanging bagay lang na nagawa namin dito ay napahanginan ang mga gulong sa vulcanizing shop at mag change oil na natutunan lang namin sa YouTube.
Maingat din kami sa pagcha-charge at iniiwasan namin na mag over charging. Isa kasi yun sa numero uno na nakakasira ng baterya.
Hindi namin ipinang nenegosyo ito at baka sitahin at hulihin kami. Binili namin ito for personal at family use (private).
By the way, sa Lower Bicutan branch Taguig kami bumili at ang name ng store nila ay TailG Marketing Electric Bicycle
Oo nga ok din ang ebike. Problema lang yung ibang me ari di sila disiplinado. Dinadrive nila sa bawal na kalsada. Syempre safety risk yun.
ReplyDelete