Bakit kaya may mga establishments na nagpapabayad sa paggamit ng Comfort Room (CR) o Rest Room (RR?)?
Nagtataka rin ako bakit may mga ganun eh ang ibang malalaking malls nga libre ang paggamit ng CR nila pero sa iba aba may bayad.
Naiintindihan ko para may maipangbayad sa paglilinis, pagme-maintain at kumpleto pa dahil may ibinibigay na pwede mong magamit sa pag business sa loob like tissue, etc.
Pero yung iba kasi overcharge di ko alam kung bakit. Oo well-maintained, mabango at very clean pero minsan 10 or 15 pesos ang singil. Eh mabilis ka lang naman iihi sa loob, maliban kung magjejebs ka.
Anyway, di ako against sa nagpapabayad pero sana yung affordable. Kung ibang malls nga and fast food chain wala bakit kaya kayo meron?
Maraming salamat sa pagbabasa, kaibigan.
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!