Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, December 31

Binebenta Ko Na Ang Mga Libro Ko Dahil?

Plano ko ng mag-switch to eBooks.

Yan ang unang dahilan ko kung bakit unti-unti ko ng binebenta ang mga libro ko.

Pangalawa, naluluma at naninilaw ang mga pahina nito sa katagalan. Pero hindi lahat ng libro. Depende na lang sa kalidad ng papel.

Ikatlo, mas convenient kasi na digital ng lahat ang mga paborito kong libro. Yun nga lang medyo delikado at maaabuso ng husto ang mata kaya dapat ay i-check ang settings (eye comfort) o kaya ay bumili ng devices na ginawa para talaga sa pagbabasa ng digital books (Kindle device).

Ang mga smartphone ay may settings naman para mapangalagaan ang ating mga mata habang nagbabasa kagaya ng less light at kulay light brown ang ini-emit ng screen.

In the near future, lahat ng koleksyon ko sa aking mumunting library ay mawawalan ng laman at mapapalitan ng ibang bagay like my notes at kung anu-ano pa. Kahit paborito ko pa ang mga librong iyon ay darating ang araw ay ile-let go ko na rin sila.

Kaya sa mga book lovers dyan, inaanyayahan kitang tingnan ang mga koleksyon ko ng libro at baka may magustuhan ka. Bilhin mo na at baka maunahan ka pa ng iba.

From physical books, now I am turning to digital books (eBooks).

Personal Blogs - Blog Top Sites

Tuesday, December 22

Pansinin Mo, Ikaw Din

Minsan kasi pag nagpaparamdam sa iyo yung isang tao na single rin na kagaya mo, pakinggan at bigyan mo rin ng pagkakataon lalo na kung parehas na kayong may edad. Baka kasi pag dumating yung panahon na ikaw naman ang naghahabol at binalikan mo yung taong nagparamdam sa iyo noon, wala na, taken na at kasal na..

Ngayon, ikaw naman ang nasa sitwasyon nya na nagpapapansin at nagpaparamdam kaya lang medyo may edad ka na at hirap ng makatagpo ng kapareha.

Pero okay lang yan, si Vic Sotto nga nakahanap pa ng Pauline Luna. Kaya baka may pag asa pa. Yun nga lang aasa ka na lang sa tadhana.

Tip: Wag masyadong pihikan at puro pagpapayaman ang inaatupag kasi ikaw din. Ang pagyaman makapaghihintay pero ang pag-ibig, pag dumating at di mo ginrab, minsan lang at di na daraan muli. Either magmadali ka at kahit sino na lang or swerte mong matagpuan ang isang tao at bubuuin nyong dalawa ang pareho nyong mundo.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Thursday, December 10

BPI Announced the Conversion of Kaya Savings to Regular Savings Account

Kung alam ko lang na plano palang i-convert ng BPI yung Kaya Savings to Regular Savings Account, edi sana hindi na ko nag-open pa ng panibagong regular savings account nitong buwan lang ng Nobyembre. Haha!

Huli na ko sa balita pero ayos lang. I hope mabasa at malaman nyo rin ito ng maaga. :)


Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, December 6

Fees and Charges When transferring Funds to Other Bank Account

I used to hate this before but now I'm okay with it (for as long as it is affordable and within everyone's reach).
Reason: Just imagine this: if you go personally to bank to do some transactions, you will spend money on jeepney/tricycle fare, food, and most importantly your precious time.

That's it! No need to have a longer post just to explain it. Short and concise answer is still the best.

What about you? What's your opinion about it? 

Personal Blogs - Blog Top Sites

Monday, November 30

Realization in Life

Kung may gusto kang bagay, bilhin mo for as long as may separate kang ipon like savings or emergency fund. Life is short kung titipirin mo ang sarili mo at isa pa, napakabilis lang nitong lilipas. Enjoyin mo ang pera mo habang bata ka pa.

Sumasang-ayon ka ba sa post ko sa itaas?


Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, November 29

Bumili ng Kotse: Para Gamitin o Pang-display?

Kung bibili ka ng isang bagay lalo na kung mahal, dapat siguraduhin mong gagamitin mo at hindi pangdisplay o palamuti lamang. Ang isang gamit, gamitin mo man o hindi, masisira't-masisira rin yan sa pagdaan ng panahon. Mabuti ng masira habang ginagamit kesa masira ng nakatago lamang. Atleast hindi ka manghihinayang kasi gamit na gamit mo at napakinabangan mo.

Kaya payo ko sa bibili ng mamahaling bagay kagaya ng kotse o sasakyan. Please lang gamitin niyo ng gamitin iyon at huwag ipang display at gawing palamuti lamang. Binili yan para i-drive at hindi para ipagyabang lang sa iba. Sakyan mo, kaya nga sasakyan.

Remember, the moment you buy a car and leave the store, that's the time where it starts decreasing its value and depreciates.

Kaya gamitin mo na kaibigan at wag hayaang alikabukin lang.


Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, November 8

Men Oppose Soundtrip

Grabe magaganda rin pala ang mga kanta ng bandang Men Oppose. Naririnig ko na ang mga ilang kanta nila sa radyo kahit noon pa.

Sa totoo lang mas nagagandahan ako sa mga kanta dati kumpara ngayon. Baduy man sa pandinig ngayon pero mas malalaman ang lyrics noon.

May napansin din ako sa pangalan ng banda nila na Men Oppose.

  • Una, kung ita-translate natin ito sa tagalog, ang ibig sabihin ay "Mga Lalaking Di Sang-ayon".
  • Pangalawa, may katunog itong salita sa Ingles na menupause. I-Google mo na lang kung di mo alam ang ibig sabihin ng salitang iyon.

Anyway, narito ang video na galing mula sa YouTube para i-share sa inyo. Kung may time kayo, pakinggan nyo ang ilan sa mga kanta nila. Enjoy!

Mga tumatak na kanta sa isipan ko: 

  1. Kasalanan Ba
  2. Sabihin Mong Lagi
  3. Sabi Mo Ako Lamang
  4. Pag-ibig Ko Sa'yo Di Magbabago



Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, October 24

Ang Unang Experience Ko Sa Pagdrive ng e-Bike

Grabe ang kaba ko nung nagsimula akong humawak ng e-Bike at minaneho ito. Di ko alam paano ba aabante o aatras, kailan pipindutin ang signal lights tuwing magpapaliko, bubusina pag mag overtake o nagpapaalala sa mga taong naglalakad na may paparating na sasakyan sa likuran nila, at gaano kasensitibo ng silinyador sa tuwing pipihitin ito. Dagdag pa natin ang mga kasabayan na sasakyan sa paligid mo at mga patakaran sa kalsada na dapat ay may nalalaman ka. Para bang napabili kami nito ng hindi pa handa ang aming sarili at isipan.

NWOW eBike

Pero nagdaan ang mga araw at buwan, maning-mani na sa akin ang pagda-drive ng e-Bike ng ate ko. Nawala na ang kaba at nadadaan lang pala sa pag-eensayo. Sabi nga nila, lakasan lang daw ng loob at totoo nga.

Pero kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at dapat palaging naka alerto sa paligid habang nagda-drive.

Enjoy kami sa naging desisyon namin na bumili nito. Mga minsan ang dina-drive ko na ay kotse na. At iyun ang next target namin. :)

I hope nalibang ka sa pagbabasa ng blogpost ko na ito. Hanggang sa susunod na post ko, kaibigan.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Tuesday, October 6

3 Kilalang Personalidad ang Nawalan Ako ng Gana

- Randell Tiongson
- Marvin Germo
- Vince Rapisura

Okay sana silang tatlo kaya lang simula nang nahaluan ng pulitika yung mga posts nila sa Facebook ay nawalan ako ng gana sa kanila. 

Kaya ko sila finollow dahil sa advocacy nilang makatulong sa mga kababayan nating makaahon. Iyon ay upang ipalaganap ang financial literacy. Mayroon pang ine-educate nila ang mga tao kung saan ba magandang mag-invest o magpasok ng pera.

Unang-una kung nasa field kayo sa mga ganyang industriya, dapat iwasan nyong magbigay ng komento about politics. Kasi iba-iba ang mga tao. Finollow nila kayo in the first place para matuto tungkol sa pera at mapalago ito. Hindi para diktahan at impluwensyan sila tungkol sa mga paniniwala nyo sa gobyerno. Pinasok nyo yan kaya dapat alam niyo kung hanggang saan lang kayo dapat at sa halip ay isulong niyo lang yung mga advocacy na pinapalaganap niyo.

Kaya bilib pa rin talaga ako kina Bo Sanchez, Chinkee Tan at Fitz Villafuerte. Itong tatlong kilalang personalidad na ito ang talagang dapat sinusundan kasi wala silang tanging hangad kung hindi ang mapalaganap ang financial literacy sa bansa at matulungan ang kanilang mga kababayan. Walang halong pamumulitika. Serbisyong advocacy lamang.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, October 4

Don't Burn Bridges

Ika nga nila pag umalis o nagresign ka sa iyong trabaho, iwasang gumawa ng hindi magandang bagay o mag-iwan ng hindi magandang impresyon sa iyong kumpanya.

Kagaya nalang ng nangyari sa akin. Nakabalik ako matapos ang tatlong taon at muli nila akong tinanggap. Napakaliit ng mundo at hindi mo masasabi kung kailan uli kayo magdadaupang palad o magkukrus ng landas.

This is one way to get hired and employed in a company.

 Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, September 5

How to Become a Better Front-End Developer?

I just want to share this wonderful article as I can really relate to it. I am a computer programmer by profession and coding is one of my passions.

Anyway, I will just put here the list of things that you can find in that article (click the link to read the full content):

1. The devtools is your friend
2. Don't get too attached to your work
3. Be open to reviews
4. Test, Test, Test
5. Try to understand basic design concepts

I know only developers or programmers can appreciate it. Enjoy! :)


Personal Blogs - Blog Top Sites

Thursday, September 3

Grab Car ang Sandalan Ko sa Panahon ng Pandemya

Sa tuwing may importante o may kailangang asikasuhing bagay at kailangan kong pumunta sa isang lugar, Grab Car lang ang tangi at laging sandalan ko lalo na sa panahon ngayong may pandemya (Covid19).

Kagaya na lang ng pagpick-up ko ng corporate atm card sa Makati at ang buwanang appointment ko sa Alabang for braces adjustment.  Walang anu-ano ay binubuksan ko agad ang Grab app para makapagpabook ng masasakyan. Papunta at pabalik na book na yun (separate booking) at kahit mahal, ang mahalaga makapunta sa pupuntahan, magawa ang mga kailangang bagay, at makauwi ng maayos at ligtas sa bahay.

Ngayong darating na Biyernes (bukas) ay kukunin ko naman ang backpay/lastpay ko sa dati kong pinagtatrabahuhan sa Makati. Kaya Grab to the rescue na naman at magpapabook to Alphaland near RCBC Tower.

Anyway, ikaw anong mode of transportation ang ginagamit mo? Malamang Grab din kasi matagal ng nawala si Uber sa Pilipinas na kakumpetensya nya.

O sya, ingat ka at simplehan mo lang ang buhay. =)

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, August 29

Iflix o Netflix: My Experience In Using Them

Parehas kong nagamit ang dalawang app na ito: ang iflix at netflix.

Tinry kong iinstall ang iflix at magbayad ng 64.50 pesos a month sa loob ng dalawang buwan. Qualified ako at na-avail ang super discounted nilang promo. Okay naman ang naging experience ko sa mga panahong subscriber nila ako. Naroroong nakakapanood ako ng iilang kdrama series, asian movies at piling-piling western series and films. Sa halagang 64.50 pesos kada buwan, sulit na sulit na lalo na't mahilig kang manood tuwing free time mo.

Makaraan ang dalawang buwan ay inihinto ko na ang iflix at masuwerteng nabiyayaan ng access sa netflix ng tita ko. May isa pa syang free slot out of 5 at ibinigay niya ito sa akin for free. Sa pagkakatanda ko ay nagbabayad sya ng 149 pesos a month, ang pinakamababang plan ng netflix kung saan sa cellphone ka lang pwede manood using the netflix app (take note, isang user lang ang pwede manood at hindi pwedeng sabay). Halos parehas naman sila ng inooffer na service subalit mas marami at more on western films/series ang content ni netflix. Dito ko napanood ang The Umbrella Academy, Through Night and Day at ang pinakabago at kasalukuyan kong pinapanood na The Last Dance kung saan bida ang Chicago Bulls at si Michael Jordan.

Wala na akong masasabi pang iba pero kung ikaw ang tipo ng tao na palapanood ay malamang nakainstall na rin sa iyo ang isa o dalawang ito sa smartphone mo. Ako naman ay bihira lang at nakakapanood lang tuwing free time ko. Masasabi kong iflix ka kung nagtitipid ka at mas prefer mo ang asian content at netflix naman kung bet mo ang western content. Muli walang panget o maganda sa dalawang ito, depende na lang sa preference at needs mo.

Tandaan, dapat may internet connection ka nang sa gayon ay magamit mo ang dalawang app na ito. Pag mabagal o pawala-wala ang net mo, mukang masasayang lang ang ibabayad mo. Online streaming kasi ang mga ito pero pwede namang for offline viewing at kailangan mo lang i-download sa app. Take note ang nada-download mo pala ay exclusive lang sa app at hindi pwedeng i-distribute at i-share sa iba kahit i-connect mo pa ang smartphone sa computer mo. That's how they strictly protect all their content from getting shared and stolen.

Anyway, tara nood na muna tayo!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Thursday, August 13

The Umbrella Academy: Ang Aking Bagong Kinababaliwan

Hindi talaga ako palapanood ng western or kdrama series sa Iflix or Netflix pero pag may natipuhan ako ay talagang tatapusin ko hanggang dulo.

Habang nagsu-swipe down ako sa newsfeed ng Facebook ko ay biglang tumamban sa akin ang trailer ng The Umbrella Academy. Napukaw agad ang aking atensyon sapagkat kahit noon pa ay interesado na ako sa time travel. Favorite ko nga yung Back to the Future movie installments. At ang isa pang nakakatawa ay yung napanood ko palang trailer ng The Umbrella Academy ay for season 2 na pala kaya nung sinimulan ko ng panoorin sa Netflix ay sobrang dami ko palang kailangang tapusin. Sa awa ng Diyos, natapos ko parehas ang season 1 at 2 nito.

Ang isa pang nagkainteres ako ay ang pagkakaroon ng super powers ng mga bida rito. Naroroong may nakakapag-usap sa mga namatay na at pwede nyang hingan ng tulong, mayroong babanggit ng "I heard a rumour..." tapos gagawin na ang nais nyang ipagawa o mangyari,  may mala Incredible Hulk ang lakas, may magaling sa kutsilyo na parang isang ninja, meron din namang may kakayanan na kontrolin ang elemento ng hangin, naroroon ding may mala-octopus ang kapangyarihan subalit sa simula palang ng kwento ay maagang namatay, at ang pinakabida sa kanilang lahat, si Five, na may kakayahang manipulahin ang oras at mag time travel.

Anyway, kung naging interesado ka rin dahil sa kwento ko ay simulan mo na ring panoorin. Ako nga excited na sa season 3 at talagang di na mapakali.

Enjoy-in mo lang at wag masyadong seryoso sa buhay. Have a stress-free life.

Eto pala yung trailer na sinasabi kong nagpush sakin para panoorin ito:





Personal Blogs - Blog Top Sites

Sunday, August 9

Focus Na Ulit Ako Dito Sa Blogspot

Nagpasya na akong ihinto ang paid web hosting ko sa Hostgator sapagkat namamahalan na ako sa ibinabayad kong 7,500 pesos kada taon subalit wala namang bumabalik. Ang tinutukoy ko rito ay yung main blog ko na jethrosas.com.

Ang plano ko is i-retain yung domain na yun sapagkat pangalan ko iyon at gamitin na lang sa mga free web hosting na kagaya nitong sa blogger o blogspot. Iniisip ko kung gamitin ko iyon dito sa blog space ko na ito o gamitin na lang sa iba.

Anyway, nagpasya rin akong buhayin itong blog na ito at linisin ang mga dapat alisin. Ang goal ko na lang is to have an online space or portfolio na matatagpuan sa isang website or blog na lamang nang sa ganun ay madali kong maorganisa ang mga bagay-bagay. If it is free then take advantage of it and maximize what It offers.

Excited na uli akong magsulat at ire-layout ang blog ko na ito na sinimulan ko noong nasa college pa ako.

Welcome back to me.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, March 7

Sobrang Totoo Nitong Payo Ni Bitoy

Sobrang napahanga ako sa sinabi at in-advise ni Bitoy (aka Michael V.) sa video na ito. Sobrang totoo. Kaya nung napanood ko ito after i-share ng ate ko, sobrang nag-iba ang pananaw ko sa mga materyal na bagay.

Pag binili mo, gamitin mo. Wag mong i-display lang kasi gamitin mo man o hindi, masisira at masisira rin ang mga yun.

Kung gusto n'yong malaman kung bakit ganito na lang ang reaction ko, panoorin mo na lang ang video na nasa ibaba.


Personal Blogs - Blog Top Sites

Thursday, February 27

Mga Bagay Na Ipinagpapasalamat Ko

Anu-ano nga ba ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko? Naririto at mababasa ninyo sa ibaba.


  1. Sariling bahay (walang renta buwan-buwan; di nangungupahan)
  2. Kumakain ng tatlong beses sa isang araw (hindi pa kasama ang mga merienda)
  3. Tita, tito, mga kapatid at kaibigan (kumusta na po kayo Ma at Pa?)
  4. Computer at internet (sa panahon ngayon, considered as needs na sila)
  5. Kuryente at tubig (pag wala ang mga ito, ewan ko na lang)
  6. Libro at notebook (dalawang bagay na kailangan ko)
  7. Cellphone (for reading and listening to music)
  8. Trabaho (kailangan nito kasi buwan-buwan bumibisita si Judith)
  9. Kama (ang katawan at isip natin kailangan din ng pahinga)
  10. Salamin sa mata (pag wala nito, paano na lang ako)


Personal Blogs - Blog Top Sites

Saturday, February 22

Tama Na Ang Pag-OTY!

This is just a short entry of mine. The goal of this post is to value our time and never give in to this OTY term. We usually use it whenever the company we work for requires us to extend our stay when something is needed to be accomplished or done. But it is unlucky if it is our own choice since we have to finish our task as we are not able to complete it on time.

Anyway, I used to take OTY (Over Time/Thank You) in my previous jobs before but I realize that no matter how you want or desire to finish your task ahead of time, still after that task, there are more to come. In other words, despite you give your very best, new tasks would appear in front of you. So don't overwork as it is only stressing you out. For as long as you deliver your output on time and provide your service 9 hours a day, that is enough. There is a life out there outside the 4-cornered wall called 'office'. You are meant to live your life to the fullest. Life is short so do things that your heart desires. Why? So you won't have any regrets in the end. Life begins when you were born and ends when you die. So in-between, do what you love.

If you have time, please read some of my posts here to learn more about money and finances. Thanks!

Personal Blogs - Blog Top Sites

Wednesday, January 1

January 1, 2020 New Year

Today is the first blank page of 2020. This year will be my 32nd year since I was born. But the official month is December so I still have 11 months before I turn 32.

I have many things to do from my list like buy e-bike for my ate this March, inquire for a house and lot property and a lot more. A girlfriend or my soon to be wife can wait and I don't feel any pressures right now. If it comes then be it. Though, I can't deny that I am searching but I am taking it slow.

This year is also the right time for me to take driving lesson. I know 2 years are enough for us to postpone this and in getting a car. Besides, I have a feeling that acquiring a car will not happen this year but perhaps next year or so. Due to we have lots of expenses on our belt that we need to settle first.

I guess I'll end it now and get back to you for next updates. This is where I put my thoughts and I'm glad that there is a place for me to express myself.

Til my next update.

Personal Blogs - Blog Top Sites