Parehas kong nagamit ang dalawang app na ito: ang iflix at netflix.
Tinry kong iinstall ang iflix at magbayad ng 64.50 pesos a month sa loob ng dalawang buwan. Qualified ako at na-avail ang super discounted nilang promo. Okay naman ang naging experience ko sa mga panahong subscriber nila ako. Naroroong nakakapanood ako ng iilang kdrama series, asian movies at piling-piling western series and films. Sa halagang 64.50 pesos kada buwan, sulit na sulit na lalo na't mahilig kang manood tuwing free time mo.
Makaraan ang dalawang buwan ay inihinto ko na ang iflix at masuwerteng nabiyayaan ng access sa netflix ng tita ko. May isa pa syang free slot out of 5 at ibinigay niya ito sa akin for free. Sa pagkakatanda ko ay nagbabayad sya ng 149 pesos a month, ang pinakamababang plan ng netflix kung saan sa cellphone ka lang pwede manood using the netflix app (take note, isang user lang ang pwede manood at hindi pwedeng sabay). Halos parehas naman sila ng inooffer na service subalit mas marami at more on western films/series ang content ni netflix. Dito ko napanood ang The Umbrella Academy, Through Night and Day at ang pinakabago at kasalukuyan kong pinapanood na The Last Dance kung saan bida ang Chicago Bulls at si Michael Jordan.
Wala na akong masasabi pang iba pero kung ikaw ang tipo ng tao na palapanood ay malamang nakainstall na rin sa iyo ang isa o dalawang ito sa smartphone mo. Ako naman ay bihira lang at nakakapanood lang tuwing free time ko. Masasabi kong iflix ka kung nagtitipid ka at mas prefer mo ang asian content at netflix naman kung bet mo ang western content. Muli walang panget o maganda sa dalawang ito, depende na lang sa preference at needs mo.
Tandaan, dapat may internet connection ka nang sa gayon ay magamit mo ang dalawang app na ito. Pag mabagal o pawala-wala ang net mo, mukang masasayang lang ang ibabayad mo. Online streaming kasi ang mga ito pero pwede namang for offline viewing at kailangan mo lang i-download sa app. Take note ang nada-download mo pala ay exclusive lang sa app at hindi pwedeng i-distribute at i-share sa iba kahit i-connect mo pa ang smartphone sa computer mo. That's how they strictly protect all their content from getting shared and stolen.
Anyway, tara nood na muna tayo!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
Sa experience ko, both are ok. Ok din yung HBO streaming app. Pinakaleast na gusto namin is Amazon Prime video.
ReplyDeleteAno palang meron sa HBO at Amazon Prime video na app. Mukang may mga video films and content dun na exclusive lang sa kanila na wala sa Netflix.
DeleteCan you share your experiences with them?
Thanks. :)