Hindi talaga ako palapanood ng western or kdrama series sa Iflix or Netflix pero pag may natipuhan ako ay talagang tatapusin ko hanggang dulo.
Habang nagsu-swipe down ako sa newsfeed ng Facebook ko ay biglang tumamban sa akin ang trailer ng The Umbrella Academy. Napukaw agad ang aking atensyon sapagkat kahit noon pa ay interesado na ako sa time travel. Favorite ko nga yung Back to the Future movie installments. At ang isa pang nakakatawa ay yung napanood ko palang trailer ng The Umbrella Academy ay for season 2 na pala kaya nung sinimulan ko ng panoorin sa Netflix ay sobrang dami ko palang kailangang tapusin. Sa awa ng Diyos, natapos ko parehas ang season 1 at 2 nito.
Ang isa pang nagkainteres ako ay ang pagkakaroon ng super powers ng mga bida rito. Naroroong may nakakapag-usap sa mga namatay na at pwede nyang hingan ng tulong, mayroong babanggit ng "I heard a rumour..." tapos gagawin na ang nais nyang ipagawa o mangyari, may mala Incredible Hulk ang lakas, may magaling sa kutsilyo na parang isang ninja, meron din namang may kakayanan na kontrolin ang elemento ng hangin, naroroon ding may mala-octopus ang kapangyarihan subalit sa simula palang ng kwento ay maagang namatay, at ang pinakabida sa kanilang lahat, si Five, na may kakayahang manipulahin ang oras at mag time travel.
Anyway, kung naging interesado ka rin dahil sa kwento ko ay simulan mo na ring panoorin. Ako nga excited na sa season 3 at talagang di na mapakali.
Enjoy-in mo lang at wag masyadong seryoso sa buhay. Have a stress-free life.
Eto pala yung trailer na sinasabi kong nagpush sakin para panoorin ito:
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.