Tuesday, December 22

Pansinin Mo, Ikaw Din

Minsan kasi pag nagpaparamdam sa iyo yung isang tao na single rin na kagaya mo, pakinggan at bigyan mo rin ng pagkakataon lalo na kung parehas na kayong may edad. Baka kasi pag dumating yung panahon na ikaw naman ang naghahabol at binalikan mo yung taong nagparamdam sa iyo noon, wala na, taken na at kasal na..

Ngayon, ikaw naman ang nasa sitwasyon nya na nagpapapansin at nagpaparamdam kaya lang medyo may edad ka na at hirap ng makatagpo ng kapareha.

Pero okay lang yan, si Vic Sotto nga nakahanap pa ng Pauline Luna. Kaya baka may pag asa pa. Yun nga lang aasa ka na lang sa tadhana.

Tip: Wag masyadong pihikan at puro pagpapayaman ang inaatupag kasi ikaw din. Ang pagyaman makapaghihintay pero ang pag-ibig, pag dumating at di mo ginrab, minsan lang at di na daraan muli. Either magmadali ka at kahit sino na lang or swerte mong matagpuan ang isang tao at bubuuin nyong dalawa ang pareho nyong mundo.

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!

Discount sa McDo Dahil sa Pag-Ibig Loyalty Card

Gusto mo bang maka-discount sa McDo? Kung may Pag-Ibig Loyalty Card or Loyalty Card Plus ka, sureball na ang total amount ng food bill mo ay...