Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, September 3

Grab Car ang Sandalan Ko sa Panahon ng Pandemya

Sa tuwing may importante o may kailangang asikasuhing bagay at kailangan kong pumunta sa isang lugar, Grab Car lang ang tangi at laging sandalan ko lalo na sa panahon ngayong may pandemya (Covid19).

Kagaya na lang ng pagpick-up ko ng corporate atm card sa Makati at ang buwanang appointment ko sa Alabang for braces adjustment.  Walang anu-ano ay binubuksan ko agad ang Grab app para makapagpabook ng masasakyan. Papunta at pabalik na book na yun (separate booking) at kahit mahal, ang mahalaga makapunta sa pupuntahan, magawa ang mga kailangang bagay, at makauwi ng maayos at ligtas sa bahay.

Ngayong darating na Biyernes (bukas) ay kukunin ko naman ang backpay/lastpay ko sa dati kong pinagtatrabahuhan sa Makati. Kaya Grab to the rescue na naman at magpapabook to Alphaland near RCBC Tower.

Anyway, ikaw anong mode of transportation ang ginagamit mo? Malamang Grab din kasi matagal ng nawala si Uber sa Pilipinas na kakumpetensya nya.

O sya, ingat ka at simplehan mo lang ang buhay. =)

Personal Blogs - Blog Top Sites

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.