Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Wednesday, August 7

Paghanga, Part 1

Kinikilig ako kapag nakikita ka
Rikit ang bumabalot sa aking mga mata
Isinasara ang bintana ng puso ko
Sinisikap na huwag mahulog sayo

Tila nagtatalo ang puso't isip ko
Isinasantabi ang tunay na damdamin ko
Nahihiyang bumaling ng tingin sayo
Eh baka nga naman kasi mahalata mo

Chinita ang taong hinahanap ko
Hindi ba't ikaw na nga tong kaharap ko
Itatanggi ko pa rin ba
Ngayong parang alam mo na

Ganito lang naman ako, tahimik sa taong gusto ko...

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!