Nais kong kumita ng pera sa paraang may kaalaman ako. Yun bang sa libangang nasisiyahan kang gawin habang kumikita ka. Mahilig akong magsulat ng mga tula at naisip ko, paano kung sa libangan kong ito ay may pumapasok na pera sa akin. Alam ko may mga taong kumikita sa pagsusulat ng libro at iilan lamang sa mga blogger. Ngunit ang nais kong matupad ay yung kada tula mo, bayad. Syempre, dapat yung naisulat mong tula maganda, mula sa puso at tunay na pinaghirapan.
May gusto lang akong ibahagi. Noong nasa hayskul ako ay mahilig akong magsulat ng mga tula. Naroroon pa ngang nakagawa ako ng maraming mga kanta sa kagustuhan maging kilala at ipakanta ang mga nagawang kanta sa mga kilalang manganganta. Ngayon na nga lang ako natuon sa pagsusulat ng sanaysay. Sa katunayan nga sa kagustuhan kumita dito sa aking munting blog ay minabuti kong magsulat sa wikang Ingles at dahil na rin na ito ang sinasalita ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Gusto kong lumawak ang mambabasa ng aking blog at hindi lang nalilimita sa ating mga Pilipino. Si Google ay isa sa mga kaibigan kong matalik dahil isa sya sa naggegenerate ng kita ng blog ko. Aaminin ko din na sa ngayon ay nasa $10 palang ang kinikita ng blog ko mula 2008. Kaya nga ko nagpasyang palawakin pa ang kaalaman ko sa blogging at pupuntahan ang isang free event na ito. Kung interesado ka, i-click mo na.
Bago ko tapusin ang entring ito ay sana nga ay kumita tayo sa pagsusulat ng tula (o kahit anong klase pa yan). Sana'y naibigan mong basahin ito.
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
Saturday, May 4
Pwede Ba Tayong Kumita Sa Pagsusulat Ng Tula?
Tags:
emosyon,
experience,
inspirasyon,
kaisipan,
manlalakbay,
opinyon,
pangarap,
paniniwala,
share,
suhestyon/tips
Authored by:
Jethro
at
8:56 PM
Saan ka nagsusulat at kumikita sa blog ba? Pwede mo ba ko turuan kung paano gusto ko rin kumita kahit maliit sa pagsusulat ng tula ko napakadami ko ng nagawa na tula na Mula sa aking puso gusto ko nga ring ibenta Yung iba pero paano pwede mo ba ko tulungan?
ReplyDelete