Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Sunday, December 21

Sarah Geronimo, Ang Nagpabago ng Takbo ng Buhay ko

Mula ng maging tagahanga nya ako maraming nagbago sa buhay ko. Mas lalong naging meaningful kumpara dati na parang palaging naghihintay na matapos ang araw at titingin sa panibagong bukas... Ngayon bawat araw may saysay.. may kwenta.. Isa nga syang mabuting ehemplo at modelo sa mga kabataan. Nagkaroon din ako ng madaming kaibigan dahil sa kanya kung tawagin ay popster. Hindi ako palakausap na tao at lalong hindi palakibo pero nabagong bahagya iyun dahil sa aming iniidolo. Wala palang kaso kahit mapalalaki o babae ka man pagdating sa tinitingala mong tao. Hindi nakakapagpababa ng pagkalalaki kung babae man ang idolo mo dahil maling mali iyun.. Ganun ako dati pero ngayon proud akong masabing sarah fan. Oo aminado ako na mas maraming babaeng fan si sarah at kakaunti lang ang lalaki pero ang ipinagtataka ko bakit ako nahila dati naman ayaw ko sa kanya at niloloko ko pa yung kapatid kong gusto sya. Tsaka ko lang napagtanto na gusto ko sya nung mapanood ko yung MMK nila ni jlc. Napabilib talaga ako kasi bukod sa mahusay ng kumanta eh magaling din palang artista. Marami pa syang talento na bibihira sa mga performer natin sa pinas. Marunong din syang sumayaw, maghost ng isang palabas, endorso ng napakaraming produkto at modelo sa mga kabataang tulad ko. At hindi lang pala sa kabataan malakas ang karisma nya pati mga bata, matatanda at yung mga nanay at tatay natin ay idolo sya. Isa pa pala, kaya mahal sya ng madaming tao e dahil sa kanyang mabuting pag-uugali. Napaka humble nya as in super kaya hindi maipagkakailang pati mga fans nya ganun din. Hindi sya plastic. Kung anong nakikita natin sa kanya sa tv eh ganun ang tunay nyang personalidad. Walang halong kaplastikan at wala sa bukabolaryo nya ang salitang inggit, away at gimik. Yan ang nagustuhan ko sa kanya at mananatili akong popster forever. Inspirasyon na talagang pinagpapasalamat ko dahil nagkaroon ng kulay ang aking buhay. Palagay ko pinadala sya ni GOD upang ilagay sa tamang landas ang mga kabataang naliligaw at hindi alam ang ganda ng buhay. Buti nahanap ko sya kundi 50% ng buhay ko ang kulang kung hindi. Bilib din ako sa galing nya sa pag-awit dahil hindi lang sa isang genre ng music ang alam nya. Kaya nyang mag rock, ballad, opm, rap, jazz, rnb at madami pang iba na hindi mo aakalaing magagawa nya.

Yan si Sarah Geronimo, isang bibihirang nilalang sa panahon ko! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Friday, December 19

My Own Creation.

This is my work! I like Sarah Geronimo very much. Nothing can change my admiration for her. It's just a start of my work and I hope I create more in the future.
What do you think... Is it better to add my creativity to her photo just like the picture below or remain the simplicity and not overdecorated it just like the picture above?

Saturday, December 13

Medyo Nalinawan Na Ko Sa Gusto Mong Ipunto.

Nang mapakinggan ko ang usapan sa pagitan ng ate at papa ko ay nagliwanag bigla ang isip ko. Bumukas sa ipinupunto nya sa akin dati pa at iniwang nakatiwangwang ang dating paniniwalang inakala kong tama. Wag mong iisipin ang sasabihin ng iba sa lahat na gagawin mo dahil hindi ka magiging masaya. At isa pa opinyon lang nila yun sa yo at none of their business. Kagaya nga ng palaging sinasabi ko na maikli lang ang buhay ay tila pinapayagan ko pang maging malungkot ito dahil sa paniniwalang lumamon na sakin noon. Wag kang magpapadikta at magpapakontrol sa iba dahil kung magkagayun ay maihahalintulad ka sa isang robot kung saan walang sariling pag-iisip. Sabi pa ng papa ko nasa demokratiko kang bansa kaya may karapatan kang sabihin ang nasasaloob mo. Pero in a nice way and right choice of words. Kung papairalin mo ang emosyon mo at puro emosyon na lang ay maaaring mauwi sa malawakang di pagkakaunawaan. Kung puro isip lang ganun din. Kaya mahalagang ibalanse ang lahat ng bagay para maging masaya sa pananatili sa mundo. Sa ngayon nahaharap ako sa isang malaking hamon... Whether sasabihin ko ba ang personal feelings ko or mananatili pa rin akong takot at bahag ang buntot..

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Paboritong Linya...

Dalawa sa mga paborito kong linya na madalas ng ibinabato ng mga artista sa soap opera at pelikula ay ang:

"Ano to?! Anong gagawin ko dito!???"
"Para san pa?! Para ano pa?!"

Yan ang dalawang linyang nagpapabalik-balik sa aking isip. Yung una ay sinabi ni John Lloyd Cruz sa pelikulang A Very Special Love kung saan katambal nya si Sarah Geronimo. Napakagaling ng pagkakabitiw nya ng linyang iyon na tyak na tatamaan ka sa kaloob-looban ng iyong buto. At ang huli ay linya ni Hero Angeles sa pelikulang Can This Be Loved kung saan katambal naman niya si Sandara Park.

Maganda ang mga linyang nabanggit sa itaas at pakiramdam ko malaki ang epekto nito sa akin. Paliwanag ko isa-isa.

Ano to?! Anong gagawin ko dito?!


Thursday, December 11

Natapos Na Rin!

Grabe! Ang saya ko sa araw ko. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa eskwela ay kakaunti pa lang ang may alam. Tanging mga kaibigan at kabarkada ko lang ang malakas ang memorya, hehe. Lumipas ang maghapon ay nanatiling sikreto ang pilit na tinatago at nanguntsaba pa ng iba na wag ipagsabi at manahimik na lang. Hanggang sa umabot sa klase namin sa ecology ay nagulat na lang ako nung ako na ang magsasalita sa harapan. Biniro ko lang si Abbey na "More pa raw oh" dahil sa request nila na isa pa ay may isang naglakas loob na umawit ng "Happy Birthday to you... Happy Birthday to you...". Syempre nahawa na rin ang iba at sunod sunod na ang pagkanta ng happy birthday. Nagtangka pa nga kong umiwas dahil hindi ko inaasahan ang ganong pangyayari. Haha! Yun ang di ko malilimutan dahil kahit papaano pala ay importante rin ako sa mga kaklase ko. Kahit isa lang akong normal na nilalang sa mundo. Pero hindi ko na ipagpipilitan pa dahil napag-isip isip ko na ang sinabi ng isang taong mahalaga sa akin. Wag nating ibaba ang sarili dahil tayo ang gumagawa ng kahihinatnan ng buhay although nakalatag ng lahat sa harapan natin ang mga pwedeng maging resulta. Ikaw na lang ang bahalang pumili base sa'yong kilos, gawa at pag-iisip. Maraming salamat sa inyo mga kaklase ko lalo na sa mga kaibigan ko at syempre dun sa dalawang naging sanhi ng kasiyahan ko. Yun ay walang iba kundi sina mondz at navz. Happy blogging! ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Wednesday, December 10

Birthday Blast: Not A Teenager Anymore!

Waaah!. Ang bilis talaga ng araw. Grabe kaarawan ko na naman. Teka ilang taon na ba ko? 18...19... 20... Teka wag ng magsinungaling pa. Beinte anyos na ko at kung iisipin ang tanda ko na. Ano nga bang nangyari sa dalawampung taon na iyon sa buhay ko... Ayoko ng mag-isip at sa tingin ko ay ilalaan ko na lang ang bawat segundo ng aking hininga sa mga taong mahal ko. Wala akong sasayanging oras dahil mga minsan darating din ang araw na kinakatakutan ko. Kaya habang maaga ay iparamdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal dahil baka sa huli ay magsisi ako. Tama na muna ang pag-eemote dahil mahalaga ang araw na ito (ang araw kung kelan ko nasilayan ang ganda ng buhay. Teka wala akong maalala, haha!)

Saturday, December 6

New Things I Discovered That Captivated My Attention

I will place here two new things that made me wonder about the things they can do. Those were not ordinary things because they caught my attention as I explore their capabilities and features. It is very rare to amuse me and capture my interest. Let's initiate it simultaneously.

First and foremost I just want to share this wonderful game that captured me. The title of the game is Virtual Villager, a game which you can play in your pc. It's a simulation type of game in which you have the power to decide, control and lead the people in their everyday lives. It's about the survival and development. The thing that made me think deeply is how is it still running even the program is not open or though the computer is turned off... What technique or magic they did to make this kind of game? I'm still amazed about the way they design it... If you want to try the game, download it from the net and you will experience the same things I had. ^^
So far there are four to be chosen and played from.
  • Virtual Villagers 1: A New Home
  • Virtual Villagers 2: The Lost Children
  • Virtual Villagers 3: The Secret City
  • Virtual Villagers 4: The Tree of Life

Mahal Mo o Ang Taong Gusto ng Puso Mo?

"Bakit ang puso minsan naliligaw kahit may mahal na?
Bakit nagkakagusto pa sa iba?
Ganun ka ba?
Just in case, sino ang pipiliin mo?
mahal mo... or.. ang taong gusto ng puso mo?"

Ganun talaga ang tao. Hindi nakukuntento. Hindi lang sa ganitong bagay kundi sa lahat ng pagkakataon. Sa tanong na kung sino ang pipiliin ko: ang mahal ko o ang taong tinitibok ng puso ko... Parang ang gulo ata ng tanong.. Parang magkadugtong sila.. Pag mahal mo dahil gusto ng puso mo. Pero meron din namang tao na nagsasabing mahal nya ang isang tao (para may masabi lang) ngunit hindi naman tapat at seryoso. Marahil dito naman nagkakaiba at nagkakaroon ng tsansa ang tanong na ito. Kaya hindi ko rin masasabi ng ganap na magkaugnay ang dalawang ito.

Tuesday, December 2

Free Access of Internet Using SELECTED Cellphones!!

Talaga nga naman ang henerasyon ngayon ang bilis magbago. Hindi ko alam na meron nito... Alam kong pwede kang mag-access sa internet gamit ang cellphone pero di ko alam na pwede palang libre... Biruin mo pwede ng mag-browse sa wikipedia at mag log-in sa ym ng libre kahit wala kang load. Pag may load ka kasi tyak kakaltasan nila ng bayad. Ganun kadaling madaya ang mga mobile companies sa Pilipinas. (SMART & GLOBE). Pero bago mangyari ang lahat ng yan kelangan mo muna: unang una ay internet-enabled yung phone mo. tapos magrerequest ka ng settings for configuration para gumana. Teka pano ba magrequest?? Actually hindi ko pa alam pero nang tanungin ko yung kaklase ko na nagbebenefit dito ang sabi nya ay magtetext ka lang sa number provided by either of these two then voila! Makakatanggap ka na ng reply at instruction on how to activate it in your phone. Ganun lang kadali. Namangha ako sobra! Gusto kong subukan lalo na IT course ko kaso ang problema wala pa kong pambili ng mamahaling telepono... Sana lang hindi pa sya madetect ng SMART or GLOBE kapag nakabili na ko. May cellphone naman ako kaya lang lumang modelo. Pwedeng pang.... (teka ibang topic na to. another entry ito. sayang din eh haha!)

Take note: Wala pa kong trabaho at kasalukuyang nasa 3rd year college.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Monday, December 1

Brickgame, Gameboy at PlayStation Portable...

Dati pag meron ka ng bg sikat ka na. Kakainggitan ka na ng mga tao especially mga kalaro mo. Pero dumaan ang ilang dekada at na face out na sya. Dumating si gb at nahimok ang mga kabataang bumili ng kanila dahil sa sikat na sikat na larong pokemon. Kahit ako naadik. Nagpupunta pa nga ako sa bahay ng pinsan ko para lang makalaro. At ngayon psp naman. Aba!
parang walang katapusan ang pag eevolve ng mga bagay-bagay. Pag wala ka nito aba nangangahulugan na nahuhuli ka na kahit pa may bg o gb ka pa. Ang teknolohiya ay patuloy na tumutuklas ng ikagaganda ng mga bagay bagay at yan ay dahil sa science. Puro pagbabago walang makakapigil...

Gaano Kadalas Magbago Ang Isip Ng Tao?

Mabilis magbago ang isip ng tao. Mapa segundo o minuto man ay may mga bagong kaisipan na dumadating sa atin. Nawawala kaagad ang dating paniniwala. Kumbaga napapatungan ng karanasan ang dati at luma na. Mapa-interes man, paniniwala, at sa lahat ng bagay ay may puwang ang pagbabago sa isang tao. Walang hanggang 'satisfaction' o 'contentment' ang bawat isa sa atin. Kagaya na lang nitong kowts na ito ng cellphone.

"kala ko,
pag mahal mo sya
at mahal ka rin nya,
ok na..
di pa pala..
masakit pero..
pwedeng..
ngayon mahal ka nya,
pero bukas,
hindi na..
ganyan kabilis magbago ang isip ng tao.."


Ang Sagot Ni Manlalakbay!

"..amf! oi ikaw..kapal mu! duh! sabit k lng!"

Don't care if louse sucks blood from its host. That's life! And it's needed for the earth acts normally.

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!