10/31/2008

Ayoko na ng Gabi...

Sa tuwing tatanungin ako ng ate ko dati kung anong mas gusto ko sa dalawa araw o gabi lagi kong isinasagot gabi sa kadahilanang magandang pagmasdan ang mga bituin sa langit pati na ang buwan bukod sa katahimikang handog nito. Kabaligtaran naman kung araw na talagang abalang-abala ang mundo sa kani-kanilang buhay.. ni hindi nga natin marinig ang tawag ng ating kalikasan. Pero ang lahat ng ito'y biglang nagbago simula ng may pumanik na tarantado at lintik (dapat nga isang malutong na P I kaso panget naman tingnan) na magnanakaw sa bahay namin nung kaarawan ng kapatid ko... [nito lang Setyembre ng taon]. Sa susunod na entry ko na lang ikukwento ang buong detalye dahil di ko pa feel ngayon. Nais ko lang itatak sa isipan ninyo na change is the only thing that is constant. Tanging pagbabago lang ang hindi nagbabago sa mundong ito bukod pa kay God at sa isa pa nakalimutan ko lang... Ang dating paniniwala mo ay pwede pang maiba maging ang mga pinaninindigan mo sa ngayon habang naglalakbay ka sa mundong ibabaw. That's life ika nga nila so lets move on and make those experiences as lessons to be learned from. It will make us a really true person as time goes by I promise! Happy reading. ^_^

10/27/2008

Our First Video

I will quote a friend's description about this video.

"This is our first successful video production for Multimedia subject this 3rd-year first term. Hope you'll enjoy the film! [Fred! sisikat ka, dude!]
d^_^b "




Personal Blogs - Blog Top Sites

Wohoo! Ang Galing ng Idol Ko Parang si Celine Dion

Lalo akong ginanahan nang marinig ko ang mga pangnungusap na ito:

"Wohoo! Ang galing ng idol ko. Parang si Celine Dion..." ang nasambit ng isang babae habang paparaan ako sa karinderya sa Pamilihang Bayan ng Taguig (Lower Bicutan). Pag kasing narinig nating karinderya halos lahat sila ay mayroong telebisyon. Gusto ko sanang huminto sandali para mapanood din ang idolo ko subalit tinubuan na naman ako ng makahiya sa ulo. Yun, ang ending tuloy-tuloy ako sa paglalakad habang ang isip ay naiwan doon. Pero hindi na yun importante ang mahalaga na naging sanhi ng paglitaw ng ngiti sa labi ay kahit pala sa labas ng tahanan ang mga kabataang masasabi kong lamang lang ako ng kaunti sa estado ng buhay ay nagkakapareho kami sa interes at gusto (ganun din naman ang mga matataas pero mababait na popsters na nakilala ko ng personal). Di maipagkakailang isa nga sa mga maimpluwensyang nilalang si Sarah Geronimo sa mga kabataang tulad ko. Susuportahan ko siya hanggang sa pagtanda ko.

10/26/2008

Rumor: The Deadliest Illness of Our World

I was not glad by the news
I heard from a friend
That you were already taken
So I lose hope for your love

Days passed by swiftly
Without even noticing it
But somehow I discovered
That everything was a lie

I made believe easily
Without confirming it personally
I did not have a courage to ask
Just let that thing as it was

Rumor spreads quickly
Whether it is good or never
All I can say is I'm sorry
I should keep this forever...

This poem is subject to be changed (anytime) by the writer...

10/24/2008

Panibagong Inspirasyong Nahugot

Kahit antok na antok na ko eh heto’t susubok pa rin sumulat.

Marami akong inspirasyon ngayon. Mula sa pang-araw-araw kong pamumuhay, mga kantang pinapakinggan tulad na lang ng kanta ni Rico Blanco (Your Universe) at sa mga advices ng ate ko na kakausap ko lang kanina.

Sa mga ganitong bagay ako natututo at nahahasa ng ganap ang aking pagkatao. Patuloy akong magsusulat at gagawa ng tula. Hindi ko rin ititigil ang pagkahilig ko sa paggawa ng kanta at paggigitara. Ang interes ko sa pagbabasa ng libro ay hindi mapaparam lalong lalo na ang pagsusulat ng mga kapana-panabik na bagay (kasama na doon ang aking pagkabigo, pagkatakot at kung ano-ano pang emosyon). Basta nagpapasalamat ako sa mga bagay na nagaganap sa aking buhay.

God please continue to guide me as I travel my journey. Sabi ko nga 'manlalakbay ako ng mundong ito' na patuloy tutuklas ng mga bagay na bago sa aking panlasa, pandinig at paningin.. Happy blogging!

10/23/2008

Hindi pa rin nagbabago!

Napakabagal ng sistema ng enrollment sa PUP Taguig. Kahit computer system na at hindi tradisyunal ang pamamaraan eh ganun pa din. Kelan kaya bibilis ang pag-usad ng pila nang sa ganun hindi na maperwisyo ang mga estudyante?? Hindi lang naman kami ang makikinabang doon pati mga faculty staff ay giginhawa ang gawain at hindi na mangangailangan ng S.A. (Student Assistant) na dagdag gastos pa sa bulsa nila (kung sa bagay hindi naman talaga sa kanila galing ang pera kundi sa mga estudyante din at kalimitan na kinukurakot). Binabansagan kong mga dakilang sipsip ang mga S.A. dahil sunud-sunuran sila sa kanilang among walang ibang alam kundi ang magpahirap kahit wala naman sa lugar (kagaya ni penguin). Wala na kong ibang masabi kundi nasira ang araw ko pagkat dalawang beses akong pinabalik dahil sa sobrang kaartehan (as in super) ni Lobo. Kung bakit ba kasi nataon pang wala si mam guidance. Sige hanggang dito na lang muna. Bad mood oh...

Connecting VB.NET to MS SQL Server 2000

Wanna acknowledge the first two websites cause I got my knowledge
from these to complete our project in DBMS, please pay attention
to him/her and visit those sites if you want. Don't forget to
visit too the other sites listed here.

http://www.daniweb.com/code/snippet820.html
http://www.daniweb.com/code/snippet836.html
http://www.daniweb.com/forums/thread119734.html
http://techrepublic.com.com/5208-11196-0.html?forumID=78&threadID=197560&messageID=2061648

Note: Most of the listed websites above contain source codes that you can refer as guides for your own program. Enjoy for viewing. ^_^

Personal Blogs - Blog Top Sites

Normalization in DBMS.

I accessed and read the following articles on September 18 in the morning. The rest were onwards!

http://rghosh.free.fr/essays/database_normalisation.html
http://www.webopedia.com/TERM/n/normalization.htm
https://ims.ecn.purdue.edu/files/2004fall/db_normalization.pdf
http://www.troubleshooters.com/littstip/ltnorm.html
http://support.microsoft.com/kb/283878
http://www.rsolutions.net/RSweb/Normalization/ppframe.htm
http://www.bkent.net/Doc/simple5.htm
http://visualbasic.about.com/cs/dbnormalization/

Lets thank internet for giving us vast information about the things we wanna learn. Those webmasters who created educational and informational sites that benefit all of us. Hope they will never stop from what they were doing. Happy learning! ^_^


Personal Blogs - Blog Top Sites

10/22/2008

Masasabi ko sa achievements ni Sarah

Talagang pinaghirapan nya ang lahat bago marating kung nasan man sya ngayon. Maraming taong nagmamahal sa kanya dahil sa katangiang meron s'ya na sa panahon ngayon ay bibihira na. Congrats to her! ^_^

Huli man ang pagpopost ang mahalaga ay mainform kayo

Ang saya naman! Halos 120 million agad ang kinita ng movie (A Very Special Love) sa loob ng isang linggo pa lamang. Sobrang bonus talaga ito sa ABS-CBN at Viva dahil pinagpartner nila ang dalawang ito (Sarah and John Lloyd) at di natakot sumugal. ^_^

Sa ngayon magdadalawang buwan na ang lumipas matapos ipalabas ang pelikulang ito na tumagal ng mahigit isang buwan sa sinehan at ang kabuuang kinita ay 198 million na halos magdadalawang daang milyon ayon sa iba. Ang galing! Dahil sa naging maganda ang resulta ay magkakaroon ng part 2 ang tambalang ito. I can't wait! ^__^

Take note: Ang mga kasabayang pelikula nito ay mga foreign movies pero hindi ito nagpahuli dahil sobrang ganda. Hindi lang ako ang nagsasabi tanungin mo sila.

Personal Blogs - Blog Top Sites

Buti may nakumbinse!

Napabilib ni Sarah ang kaklase ko at nakuha pa nyang sabihing "Total Performer" ang aming prinsesa. Totoo naman eh mapa-singing man, acting, hosting o modeling talagang kaya n'ya. Kaya there is no doubt about it. ^_^

Alam kong alam mo kung sino ka, hehe.

Personal Blogs - Blog Top Sites

10/14/2008

Baka Nadala Lang... (Karugtong ng 'Ouch')

Marahil nadala lang ako sa role n'ya kaya napansin s'ya ng puso ko. Kung hindi siguro s'ya nagtanghal dun o kaya'y hindi ako nanood at nakasalubong ko s'ya sa daan ay isa lang s'ya sa milyong-milyong babaeng nakita ko. Nabighani kasi ako kung paano n'ya dinala ang role n'ya bilang isang batang babae na nag-aalala at may espesyal na pagtingin sa kanyang kaklaseng si Pepito. Sa kanya nga lang natuon ang titig ko tuwing lumalabas siya sa entablado. Hanggang sa makita ko s'ya sa labasan ay palihim kong inuukol ang namuong damdamin. Marahil isa na naman itong ilusyong tila humuli sa natutulog na pag-ibig. Ni hindi ko alam kung sino s'ya, kung anong uri ng pagkatao meron s'ya. Ang tanging alam ko lang ay nakita ko s'ya sa play na ang "Batang Rizal..."

10/13/2008

Ouch...

Iba talaga pag palaging nahuhuli, walang natitira. Ang bagal ko kasi yan tuloy naunahan. Iba talaga nagagawa ng madiskarteng tao - nagagawa ang mga bagay na gusto ng walang pumipigil sa kanilang isipan. Sayang at hindi ako nakapagpakuha ng litrato sa isang babaeng hinahangaan ko pero isang beses ko palang nakita. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng palabas nila kaya ako nagkakaganito. Panibagong inspirasyon na naman na haharapin at gugulo sa aking isip. Pero wala akong magagawa kung ganito ako dahil pinaninindigan ko kung sino at ano ako. Wala akong dapat gayahing ibang tao dahil sila ay sila at ako ay ako. Magmumukmok na lamang ba ako dito ng makita ang litrato ng aking kaklase kasama s'ya at binigyan pa nya ng remembrance na talagang hindi malilimutan.. May kung anong init na naramdaman sa loob na hindi ko mawari kung pagseselos ba na may kasamang inggit at galit o kung normal lang ba. Pinangunahan kasi ako ng hiya at kaba... natatakot mahusgahan ng mapanuring mga mata ng taong nakapaligid sakin. Siguro itatago ko na lang itong mga litrato na pinadala sakin ng isa kong kaklase para maalala ko s'ya dahil sa palagay ko yun na rin ang huling makikita ko s'ya. Buhay nga naman may makita lang na kaiga-igaya sa mata agad na nahuhulog ang loob dun sa bagay na iyun. May buhay pang naghihintay kaya mabuti pa sigurong kumilos na ko at bumalik sa dati kong mundo..

Maraming salamat Kaye ng 'Batang Rizal'.