Grabe pala ang araw-araw na senaryo sa Ayala MRT. Lalo na ako na nag-aabang ng Bicutan/Sucat bus. Katakot-takot na pulumpong ng tao na halos di mahulugan ng karayom ang makakasabay mo sa paghihintay ng pampasaherong bus. Ang masaklap pa nito halos lahat ng taong iyon ay Sucat/Bicutan ang inaabangang bus. Kailangang makipag-unahan at makipagsisikan kung gusto mong makauwi ng maaga. Pwede rin namang magpaubaya at magpalipas ka muna ng oras. Hintaying kumonti ang nangagkakapalang tao. Good luck na lang at paniguradong aabutin ka ng gabi sa pag-uwi sapagkat parang di nauubos ang pagdating ng mga tao.
Ang isa sa napansin ko ay kaawa-awa ang mga babaeng nakikipagsapalaran para lamang makasakay. Pwede silang mahipuan at madikitan ng hindi sinasadya o ng iba na sadyang manyakis.
Anyway, ganito pala talaga ang totoong palabas sa Ayala MRT sa tuwing sasapit ang ala-sais hanggang alas-otso ng gabi. Ngayon ko lang naranasan ang ganito na karaniwan na lang sa ibang tao. Sapagkat sa dati kong trabaho ay madalas alas-dyes hanggang alas-dose na ang labas ko. Sa mga oras na yun ay kakaunti na ang tao at mabilis na akong nakakasakay.
Ganito ang naiisip ko. Ang Makati ay di maipagkakailang sentro ng trabaho sa Metro Manila kaya parang di nauubusan ang taong paroroon at paririto. Isa pa ang tanging destinasyon ng halos karamihan at talagang sentro ng babaan ng tao ay ang Bicutan. Malas ko (at siguro swerte na rin) sapagkat parehong natapat sa akin ang lugar ng pinagtatrabahuhan ko at ang lugar ng tinitirhan ko.
Kaya kapag natatanaw na ang bus na may sign board na Sucat/SM Bicutan, kanya-kanya na ang paghahanda sa Ready-Set-Go!
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
may di ka napansin :) FTI. mas malala. dati nasa pintuan na ko halos para lang makasakay sa bus. ganun din sa FX and taxi stations, grabe din ang pila pag ganung time, U-turn kung tutuusin. pero nasanay na rin kasi madalas din ako sa Ayala Makati dati.
ReplyDelete