Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, November 27

Panatilihing Malinis Ang Ating Katawan

Ang entry na ito ay para sa mga taong tamad maligo na pag inabutan ng katamaran ay ipinagpapabukas na kagaya ko hehe!
Napag isip-isip ko lang nitong mga nagdaang araw na dapat lang pala na panatilihin nating malinis ang ating pangangatawan kung paanong pinalilinis natin ang ating ispiritwal. Bakit ko nasabi ito dahil pahiram lang Nya ito sa atin.. Aba! mahiya ka naman. Kung ako nga nahiya dapat ikaw din! ^_^ Happy blogging!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Wednesday, November 26

WINDOWS XP Black 2nd Edition (Heavy User Environment Edition)

Ngayon alam ko na ang mga bagay sa likod ng pirated software na ito. Una palang nagtaka na ko kung bakit nakagawa ng customized na xp version. Nagduda na ko na ang gumawa nito (na sa tingin ko pinoy) ay may iba pang balak bukod sa mabigyan ng magandang os ang mga kagaya kong
user. Yun yung pagkakalat ng virus at malware kapag ininstall na ang ginawa nyang os.

Nagtataka lang ako kung paanong ang licensed software na hindi maaaring i-customized ay nagawa nyang mabago (dahil hindi open ang source code nito like open source softwares). Ang galing mo kapatid pero hindi mo na ko kelan maloloko...

Tuesday, November 25

Kaya Ko Pala Kung Gugustuhin Ko

Akala ko nawala na ang dating powers ko.. Akala ko tuluyan na kong nanghina at inagawan ng memorya.. Hindi pa pala. Kung gugustuhin pala natin ay maibabalik ang dating inakala nating kinuha sa'tin. Nasa loob lang pala naghihintay na mapansin.

Sunday, November 23

Ilatag Ko Na Nga Ang Nakatago...

1ST:
November 6-7: The author Michael Crichton died because of cancer.
He was known by his book "Jurassic Park".

2ND:
The fact that you cannot kiss your elbow is enough to make you realize that some things seem to be so close, yet, they are bound to be beyond your reach..

What do you think about this one? It's true and it happens to me every time. I can not reach the one who made me believe I should live.

3RD:
Nang nagmahal ako I believe in everything:
love at first sight, happy endings, destiny, fairy tales and even magic.
Pero ng nasaktan ako tama sila no words can define love kundi
-wow it hurts!

Ang Saya Ko Kahit Nalaman Kong Panaginip Lamang..

Ang sarap ng pakiramdam pag ang mga ninais mong bagay ay biglang natutupad.. nangyayari.. at sunod-sunod ang dating sa iyo subalit biglang mawawala ang saya sa isang iglap pag nalaman mong panaginip lang pala.

Kabaligtaran ang nangyari sakin kahit bunga lang ng isang malikhaing isip at mapanlakbay na diwa ang lahat... TUWA. Tuwa dahil matagal ko ng hinihintay at pinapangarap ang ganitong bagay na memorable sa bawat umiidolo sa kanya. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa isang kakilala kundi dahil sa kanya ay hindi ako makakapag 'hello' sa taong espesyal sa akin (dito sa normal na mundo). Akin munang isasalarawan ang panaginip ko.

Wednesday, November 12

Hindi Raw Kwalipikado...

Sa iba'y tila isang basura
Para sa akin ay isa ng obra maestra
Hindi nila nakikita
Pambabalewala ang sagot nila

Masayang-masaya na ko sa mga tula
Na nagagawa ko
Subalit bakit sa kanila ay iba
Kung ituring ang akin ay bato

Sunday, November 9

Sa Mga Gustong Maging Writer...

Kung sa palagay mo malabong mangyari ang pinapangarap mong maging isang manunulat, dyan ka nagkakamali. Dito palang sa ginagawa ko matatawag ka ng isang writer... yun nga lang tanging sarili mo lang ang nagdeklara at nagsabi. Ang mahalaga naman maipahayag mo kung anong nasa loob ng isip mo at emosyon na matagal ng nagngangalit bumulusok palabas.. hindi mo lang alam kung paano. Ang tanging gamot lang na makakalunas ay ilatag sa puting papel o sa espasyong ibinigay sayo ng libre kagaya nito (blog). Walang masama kung susubukan at masasabi mong sa wakas isa na akong ganap na writer! yun nga lang hindi sa KANILA...

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

Duet of Sarah and Howie, thought as one of the tracks of highscool musical?

I'm really glad after hearing that from my brother when I played their 1st carrier single I'll Be There from Just Me (Sarah's 5th and latest album). I'm still awestruck by that compliment because she's my idol and the person I am looking up to. I'm very proud of her and believe that she's not far from being an international artist. It's just a start of her fruitful success and I hope we, fans of Sarah, will never get tired in supporting her whenever she needs us.

Thursday, November 6

Ang Mayayaman Lalong Yumayaman?

Dati sang-ayon ako sa normal ng namumutawi sa labi ng mga kababayan natin pero nang marinig kong muli mula sa bibig ng mama ko, agad tumutol ang isip ko...

"Ang mayayaman lalong yumayaman at ang..."


Sam Milby, David Cook ng Pilipinas!

Dalawa sa kaklase ko ang nagsabi na kaboses ni Sam Milby si David Cook nang pinahulaan ko sa kanila kung sino ang kumakanta dun sa mp4 ko (Buong Buhay Ko, themesong ng Ligaw na Bulaklak). Nagulat naman ako dahil di lang isa kundi dalawa ang nagsabi at nakapansin. Wala lang nai-share ko lang sa inyo.

Wednesday, November 5

A Very Special Love Main Menu!!!



According to the uploader of this video from youtube, this is the main menu of A Very Special Love (movie) but I doubt about it so I ask him/her if it is the real one. I'm still waiting for his response and willing to update the words I write here. Thanks for watching!

May Panahon...

May panahon para isilang sa mundo
May panahon para malagutan ng hininga
May panahon para sa isang bagay
Huwag sanang magmadali sa buhay

Sa bawat maliit na bagay
Na ating ginagawa
Ay may malaking epekto
Sa ating hinaharap

Monday, November 3

Mabuti Pang Simulan Mo Na!

Kung gusto mong maibsan ang kalungkutan o kasiyahang nadarama gumawa ka ng journal (o diary para mas madaling maintindihan) kaso napaka tradisyunal na nito sa panahon ngayon pero isa sa mga mabisang paraan para mahasa ang ating kaisipan. Uso na ngayon blog (modernong pamamaraan ng pagsulat kung saan ay maaari mong ipahayag ang mga nasasaloob mo sa internet gaya nitong blog ko).

Base ito sa shout out ng kaibigan ko sa friendster. Pramis epektib, subukan nyo! ^__^

Sunday, November 2

Salesladies, Ano Kaya Kung...

Pambungad sa mga reader (meron kaya... haha!)

"Saleslady, ano kaya kung sa mall na lang kayo magbihis ng damit pantrabaho..."

Nais ko lang sanang isapubliko ang topic na ito. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero malamang marami rin wala lang pakialam.. agaw atensyon kasi sila at mukang normal na sa kanila ang manamit ng ganun.