Tapos biglang nasaktan
Kaya nauwi sa kapihan
At nagising sa katotohanan
Hindi ka pulis para sukuan ko
Subalit napilitan akong sumuko
Kaya tuloy naging preso
Nakulong sa maling pangako
Napasobra ata ang tapang ko
Maling tao ang naipaglaban ko
Di mo pala nakikita ang effort ko
Sarili mo lang ang iniligtas mo
Dati sinisisi ko ang hangin
Kung bakit di ka matangay sakin
Kaya nagpapayat tuloy ako
Para madaling liparin papunta sayo
Ang lamig parang tayo lang
Ang init parang sila lang
Ang swerte at panahon nila
Habang ako'y naghihintay pa
Kasing lamig man ng panahon ang love life ko
Ang mahalaga may taong handang mahalin ako
Kaya siguro sobra ang init ngayon
Para magising na ko at makamove on
Ang tagal ko rin bago makamove on
Lampas din yun ng isang taon
Mabuti na lang ganito ang kinalabasan
Kaya heto patula-tula na lang
Siguro nga nakaalis na ko sa past
Di naman yun kung ilang taon na ang lumipas
Nasa akin naman kung mahal ko pa o hindi na
Parang araw at gabi na di pwedeng magsama.

Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!