Kung nakwento ko na sa inyo ang pagkakaiba ng MRT sa LRT, sa ngayon ay ating pag-uusapan ang PNR (Philippine National Railways).
Ang PNR ay ang tren na tumatakbo sa kahabaan ng Metro Manila (di ako sigurado kung nag-ooperate na sya hanggang sa ibang probinsya). Mura ang pamasahe dito kaya kung gusto mong makatipid at makaiwas sa trapik, eto ang solusyon para sa'yo. Dati rati ay open space, luma at maingay ang ating tren subalit nadagdagan ito ng makabago at moderno sa kasalukuyan. Yun bang istilong MRT/LRT na de-aircon.
Marami kang pwedeng maranasan sa pagsakay sa lumang tren. Maaari kang mabasa at matapunan ng ihi at tae ng mga iskwater na galing sa gilid ng riles (dati kasi halos isang dangkal ang agwat ng tren sa mga bahay nila - buti ngayon at wala na). At ngayon sa pagsakay sa makabagong tren, kahit pa malamig at presko ay mararanasan mong makipagsiksikan sa loob lalo na kung rush hour. Maaamoy mo ang pawis at hininga ng katabi mo at paalala: ingatan ang mga importanteng bagay sa bulsa o bag. Pero madalas siksikan talaga dahil na rin siguro sa pangmasa at murang pasahe.
Mabibilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses na akong nakasakay sa PNR. Minsan masarap at masaya ding subukin ang mga bagong bagay. Subalit doon sa tama at wastong bagay o paraan lamang.
Ikaw nakasakay ka na ba sa tren natin?
Free WEB Hosting!
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hi and hello!
I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.