Tuwing uwian (galing sa trabaho), paborito kong kainin ay siomai with yakult. Pero minsan eh gulaman ang pinapartner ko kahit tumaas na ng dos ang gulaman (mula 10 naging 12) at siomai (mula 25 naging 28) [ginawa yata talaga nilang ganun para eksaktong 40 ang babayaran mo at hindi 35 nang sa ganun wala ng putal/butal na 5 pesos].
Anyway, kahit natetempt akong palaging bumili nitong paborito kong kainin at inumin eh hangga't maaari nililimitahan ko ang sarili ko na gumastos ng gumastos. Ang halaga pala ng yakult eh 8 pesos. Mas maigi ito pagkat maganda ito sa kalusugan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama pagkatapos kong makakain nitong mga paborito kong kainin at inumin.
Dati siomai lang na tag 2.50 ang binibili ko at want-o sawa ko sa paglapa. Subalit nang mapanood ko sa tv ang isang balita, tungkol sa kung saan at paano ginagawa ang mga siomai na nilalako sa tabi-tabi, eh nawalan na ako ng amor o ganang suportahan ang business ni manong. Naroroon pa ngang nagiging galante ako sa mga kaibigan at ate ko, mailibre ko lamang sila. Hehe!
Sige hanggang dito na lang muna mga dre. Hindi ko alam kung may sense ba itong sinulat ko sa inyo. Pero, para di naman sayang ang oras nyo sa pagbabasa nito, tanungin kita: anong paborito mong kainin at inumin tuwing lumalabas ka? =D
Free WEB Hosting!
Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!