Saturday, July 27

Kung Di Lang Nakakahiya

Ako'y nagprisinta at sumang-ayon
Samahan ang mama ko sa darating na sabado
May karamdaman syang dapat subaybayan
Na dapat may kasama saan man magpunta

Kung di lang dahil sa kanya
At kung mayroon lang sana syang ibang kasama
Mas pipiliin ko pang magpaiwan sa bahay
At ipagpatuloy ang mga naisin sa buhay

Kung di lang din nakakahiya
Sa pinsan ko na kasundo ko rin
Kaya lang ewan ko ba
Naiinis ako pag ang napapakinggan eh paulit ulit na lang

Mahangin at puro yabang
Ang mga salita'y parang nakarekord na lang
Ipagmalaki dun at ikumpara dito
Bukang bibig ang tangkad at itsura ng mga anak

Hayy.. Buhay nga naman
Mabuti pang magkulong sa kwarto ng maiwasan
Ang walang humpay na pagmamalaki at pagyayabang
Pasasaan at matatapos din naman.

No comments:

Post a Comment

Hello!

Thanks so much for taking the time to read my blog post! I’d love to hear your thoughts, feedback, or any suggestions you might have—feel free to share them in the comments. Looking forward to hearing from you!

Panda Express Fortune Cookie

- Be bold, try something new. - Success will be yours. - You will find yourself at a happy crossroads. - You are in the company of exception...