Naiinis ako sa mga taong nagsasabing may totoong multo. Yun bang eksaj kung magkwento. Ako nung una palang hindi na ko naniniwala sa multo siguro nung bata pa oo pero ngayon hindi na. Haler! matanda ka na para magpapaniwala sa ganyan. Ang nakikita ko kasi sa mga nagsasabing may multo ay sila ang may problema. Marahil sa sobrang dami ng iniisip nila kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan nila, isama pa natin ang sobrang panonood ng horror movies. Pwede rin namang epekto ng kakulangan sa tulog o stress sa trabaho. At ang pinakamalala ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ko naman inaakusang drug addict o mga baliw ang mga taong para sa kanila ay may multo dahil ang mga ito'y opinyon ko lamang. Bago ko tapusin ang entry-ng ito, makikipagpustahan muna ko. Pag napatunayan nyo sakin na may totoong multo maniniwala ako at magpapakumbaba. [kahit sa pictures lang o kaya'y isama nyo ko, haha!]
I made this blog to post everything I'm interested in like poetry, software reviews, my beliefs/opinions and topics that catch my attention. Usually, everything that you can find here is related to me but I'll try to make it diverse as much as possible. I try to use English as the main language of this blog but it is unavoidable for me to use Tagalog as I'm most comfortable with it. Start browsing and enjoy reading. Welcome to my blog!
Searching for something, i-google mo na!
Custom Search
Thursday, January 29
Tuesday, January 27
"Dalawa na pala kami!" pahayag ni manlalakbay
Nabanggit sakin ng isa kong kaibigan at manunulat na nung isang araw pa raw sya hindi nakakapaligo.. (Ganun daw talaga sya pag walang pasok.) Sabi ko bakit? Sabi nya hindi naman mabaho kasi wala ka namang ginagawa sa bahay, maghapong nakaupo lang. Sabi ko naman, kahit na... Kelangan pa rin nating pangalagaan ang ating katawan (base na rin sa nauna kong entry) dahil pahiram lang satin to ni God. Sabi nya napaka ispiritwal ko raw. Sabi ko dapat lang.. kagaya na lang ng simpleng pagligo mapapanatili natin ang ganda nito. Dagdag ko pa kung anong itsura nung hiniram natin dapat ganun din natin isasauli...
Monday, January 26
Taon Ko Na!
Grabe dalawang beses akong nagnu- new year sa loob ng isang taon. :-) January 26, 2009 pumatak ang New Year ng mga Chinese. "Kung Hei Fat Choi!" ang batian nila na kung sa atin ay katumbas ng Happy New Year! Nagsimula lang ito kaninang 12 ng madaling araw. Eto ako at nangangarap na kaisa ng kultura nila, hehe! Pero hindi malayong mangyari yun lalo na't nakapagpasya na ko sa desisyon kong ito. Hope walang humarang habang tinatahak ang daan patungo roon... Happy reading! ^_^
Free WEB Hosting!
Free WEB Hosting!
Thursday, January 22
Siya Muna Bago Kayo..
Ngayon lang naging malinaw sa akin ang kaibahan ng mga application na mayroong .NET sa dulo. Like paint.NET and vb.NET. Na ang mga ito ay hindi pwedeng mag-run ng walang .NET na framework na nakainstall sa computer. Dahil nung mag-iinstall sana ako ng paint.NET eh required daw iinstall ang .NET na framework. At nung pinapa-run ko ung .exe na ginawa ko sa vb.net (visual studio) dati ay ayaw din mag-run. Yun pala kelangan pala munang iinstall ang .NET para gumana ang mga ito. Ang .NET kasi ay isang framework kung saan nandito lahat ng mga function, classes at kung anu-ano pa na ginagamit ng mga .NET application. Ngayon ko lang talaga napagtanto ang kaibahan nito sa ibang mga software na ordinaryo lang. Ngayon nalaman ko rin na required pala itong mauna bago sila. Hope you learn. Happy reading!
Free WEB Hosting!
Free WEB Hosting!
Wednesday, January 21
Bakit Halos Lahat ng Kanta ang Pinakatarget Love?
Pansin ko sa lahat ng kanta na nag-eexist sa henerasyon ko o kahit noon pa man ay mas nangingibabaw ang tungkol sa pag-ibig.. Nagkakaiba lang sa genre pero ganun at ganun pa rin. May tungkol sa pagkabigo, nangangarap, inlove, nagmamakaawa but still pag-ibig pa rin ang sentro at tema. Wala bang pangkaibigan? Oo meron nga pero mabibilang mo lang. Isama na rin natin ang mga kantang pumupuri sa Panginoon at yung nakaka-inspired. Try mong makinig ngayon ng radyo, sigurado matatanto mong tama ako, hehe. ^_^ Happy blogging! ^_^
Free WEB Hosting!
Free WEB Hosting!
Sila Lang..
Tanging Dalawa lang ang mahal ko
Isa doon at isa rito
Isang may lahi at isang katulad ko
Na palaging nasa isip ko
Isa doon at isa rito
Isang may lahi at isang katulad ko
Na palaging nasa isip ko
Monday, January 19
Sex: Nakakaadik Parang Droga
Marahil ang sex ay nakakaadik parang droga base sa obserbasyon ko sa paligid. Katulad na lamang ng mga mahihirap nating kababayan.. Naghihirap na nga parami pa ng parami ang anak. Pero mas malala yung pagamit ng pagamit pero inilalaglag naman... Yan ang mga walang halang ang konsensya at buhay pa eh sinusunog na ang kaluluwa nila sa impiyerno. Isa pang simpleng halimbawa ay ang kapanahunan ng pagkahilig ng mga pusa. Panahon yata ng mga muning ngayon, hehe!
Format again!
Katatapos ko lang mag-format ng pc ko dahil hindi gumagana ang Visual Studio.NET 2003 at Microsoft SQL Server 2000 sa kasalukuyang Operating System na gamit ko, ang Windows XP Professional SP2. Hindi ko malaman kung aling cd ang pinang-install ko.. Dalawa kasi windows OS ko yung isa pulot at yung isa samin talaga. Yung nawawala pa yata yung ginamit ko nung pang-install. Kaya ngayon heto na naman ako ipo-format ang pc ko at i-install ang natitirang OS para lang mapagana ang mga application na nabanggit sa itaas dahil kailangan namin sa isang subject. Ganito rin problema nung dalawa kong kaklase at yung isa ay naayos na nya sa pamamagitan ng solusyong gagawin ko pa lamang. Hope maayos at mapagana ko... ^_^
Free WEB Hosting!
Free WEB Hosting!
Thursday, January 8
Paliparan
Hindi na ko makapaghintay sa muling pagdating at pag-alis (kahit kararating pa lamang hehe) ng papa ko.. Bakit? Dahil dun lang ako nakakakita ng mga chinese kung saan napagmamasdan ko talaga ng matagal. Sa mall kasi saglit ko lang silang napagmamasdan.. Matatangkad pala sila at mapuputi. Makikinis ang mukha na sinamahan pa ng kahinaan ko - ang kanilang singkit at maamong mata. Excited na talaga akong bumalik doon. Kumailan lang inihatid namin ang papa ko sa airport at nagbalik sa aking alaala nung isang taon na susunduin namin ang papa ko. Ang pagsasalita nila ng intsik ay isang malaking hamon para sa akin dahil yun ang unang baitang na dapat kong matutunan upang matupad ang aking pangarap. Marami akong pangarap na isa-isa ng nakalinya sa utak ko..
Free WEB Hosting!
Free WEB Hosting!
Monday, January 5
MS-DOS Batch Files ni friend...
Sa wakas nabasa ko na yung librong pinahiram sakin ng isang kaibigan. Ang title ng libro ay "Concise Guide to MS DOS BATCH FILES" ni Kris Jamsa. Dapat nung bago pa mag christmas ay naisauli ko na sa kanya kaya lang sinadya kong patagalin sa akin dahil hindi ko pa nababasa kaya napilitan syang kunin na lang sa susunod na taon (2009). Galing ko talaga haha! Nung mabasa ko na ay tsaka ko napag-alaman na kulang ang aking kaalaman (kung it student/programmer ka kapag hindi mo ito nabasa). Dahil basic na basic ang nilalaman nito at dapat na gawing panimula (unang pag-aralan) kesa sa ibang lengguahe. Ako binasa ko lang ngunit hindi ko in-apply ang mga natutunan ko dahil nga sa limitadong oras na meron ako. Siguro tsaka ko na lang iaapply pag meron na. Ang mahalaga nalaman kong mahalaga rin pala ang mga ganitong bagay na kung iisipin ay lumang-luma na. Kung hindi mo alam ito wala kang karapatang tawaging programmer lalo na't laganap ang pagggamit ng windows ni Gates sa Pinas kahit na pirata haha! Enjoy blogging! ^_^
Free WEB Hosting!
Free WEB Hosting!