Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Friday, October 31

Ayoko Na Ng Gabi...

Dati sa tuwing tatanungin ako ng ate ko kung anong mas gusto ko sa dalawa, araw o gabi, lagi kong isinasagot ang gabi sa kadahilanang magandang pagmasdan ang mga bituin sa langit, pati na ang buwan bukod pa sa katahimikang idinudulot nito.. Kabaligtaran naman kung araw na talagang abalang-abala ang mundo sa kani-kanilang buhay.. ni hindi nga natin marinig ang tawag ng ating kalikasan. Pero ang lahat ng ito'y biglang nagbago simula ng may pumanik na tarantado at lintik (dapat nga isang malutong na PI kaso panget naman tingnan) na magnanakaw sa bahay namin nung kaarawan ng kapatid ko... (nito lang Setyembre ng taon). Sa susunod na entry ko na lang ikukwento ang buong detalye dahil di ko pa feel ngayon.

Monday, October 27

Guduerz First Video "Ale"

I will quote a friend's description on this video.

"This is our first successful video production for Multimedia subject this 3rd-year first term. Hope you'll enjoy the film! [Fred! sisikat ka, dude!]
d^_^b "



Wohoo! Ang Galing ng Idol Ko Parang si Celine Dion

Lalo akong ginanahan nang marinig ko ang mga pangungusap na ito:

"Wohoo! Ang galing ng idol ko. Parang si Celine Dion..." ang nasambit ng isang babae habang paparaan ako sa karinderya sa Pamilihang Bayan ng Taguig (Lower Bicutan). Pag kasi narinig nating karinderya halos lahat sila ay mayroong telebisyon. Gusto ko sanang huminto sandali para mapanood din ang idolo ko subalit tinubuan na naman ako ng makahiya sa ulo. Yun, ang ending tuloy-tuloy ako sa paglalakad habang ang isip ay naiwan doon.

Sunday, October 26

Rumor: The Deadliest Illness of Our World

I was not glad by the news
I heard from a friend
That you were already taken
So I lose hope for your love

Days passed by swiftly
Without even noticing it
But somehow I discovered
That everything was a lie

Friday, October 24

Panibagong Inspirasyong Nahugot

Kahit antok na antok na ko eh heto’t susubok pa rin sumulat.

Marami akong inspirasyon ngayon. Mula sa pang-araw-araw kong pamumuhay, mga kantang pinapakinggan tulad na lang ng kanta ni Rico Blanco (Your Universe) at sa mga advices ng ate ko na kakausap ko lang kanina.


Thursday, October 23

Hindi Pa Rin Nagbabago!

Napakabagal ng sistema ng enrollment sa PUP-???. Kahit computer system na at hindi tradisyunal ang pamamaraan eh ganun pa din. Kelan kaya bibilis ang pag-usad ng pila nang sa ganun hindi na maperwisyo ang mga estudyante?? Hindi lang naman kami ang makikinabang doon pati mga faculty staff ay giginhawa ang gawain at hindi na mangangailangan ng S.A. (Student Assistant) na dagdag gastos pa sa bulsa nila (kung sa bagay hindi naman talaga sa kanila galing ang pera kundi sa mga estudyante din at kalimitan na kinukurakot). Binabansagan kong mga dakilang sipsip ang mga S.A. dahil sunud-sunuran sila sa kanilang among walang ibang alam kundi ang magpahirap kahit wala naman sa lugar (kagaya ni penguin).

Connecting VB.NET to MS SQL Server 2000

Wanna acknowledge the first two websites where I got my knowledge to complete our project in DBMS, please pay attention to him/her thru clicking links. Don't forget to visit the other sites I listed here.

Normalization in DBMS.

I accessed and read the following articles on September 18 in the morning. The rest were onwards!

Wednesday, October 22

Masasabi Ko Sa Achievements Ni Sarah

Talagang pinaghirapan nya ang lahat bago marating kung nasan man sya ngayon. Maraming tao ang nagmamahal sa kanya dahil sa katangiang meron s'ya na sa panahon ngayon ay bibihira na.

Congrats Sarah! ^_^

A Very Special Love Updates!

Ang saya naman! Halos 120 million agad ang kinita ng movie (A Very Special Love) sa loob ng isang linggo pa lamang. Sobrang bonus talaga ito sa ABS-CBN at Viva dahil pinagpartner nila ang dalawang ito (Sarah and John Lloyd) at di natakot sumugal. ^_^

Sa ngayon magdadalawang buwan na ang lumipas matapos ipalabas ang pelikulang ito na tumagal ng mahigit isang buwan sa sinehan at ang kabuuang kinita ay 198 million na halos magdadalawang daang milyon ayon sa iba. Ang galing! Dahil sa naging maganda ang resulta ay magkakaroon ng part 2 ang tambalang ito. I can't wait! ^__^

Buti Nakumbinse!

Napabilib ni Sarah ang kaklase ko at nakuha pa nyang sabihing "Total Performer" ang aming prinsesa. Totoo naman eh mapa-singing man, acting, hosting o modeling talagang kaya n'ya. Kaya there is no doubt about it. ^_^

Alam kong alam mo kung sino ka, hehe.

Tuesday, October 14

Baka Nadala Lang...

(Karugtong ng 'Ouch')

Marahil nadala lang ako sa role n'ya kaya napansin s'ya ng puso ko. Kung hindi siguro s'ya nagtanghal dun o kaya'y hindi ako nanood at nakasalubong ko s'ya sa daan ay isa lang s'ya sa milyong-milyong babaeng nakita ko. Nabighani kasi ako kung paano n'ya dinala ang role n'ya bilang isang batang babae na nag-aalala at may espesyal na pagtingin sa kanyang kaklaseng si Pepito. Sa kanya nga lang natuon ang titig ko tuwing lumalabas siya sa entablado. Hanggang sa makita ko s'ya sa labasan ay palihim kong inuukol ang namuong damdamin. Marahil isa na naman itong ilusyong tila humuli sa natutulog na pag-ibig. Ni hindi ko alam kung sino s'ya, kung anong uri ng pagkatao meron s'ya. Ang tanging alam ko lang ay nakita ko s'ya sa play na ang "Batang Rizal..."

Monday, October 13

Ouch...

Iba talaga pag palaging nahuhuli, walang natitira. Ang bagal ko kasi yan tuloy naunahan. Iba talaga nagagawa ng madiskarteng tao - nagagawa ang mga bagay na gusto ng walang pumipigil sa kanilang sarili. Sayang at hindi ako nakapagpakuha ng litrato sa isang babaeng hinahangaan ko ngunit isang beses ko palang nakita. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng palabas nila kaya ako nagkakaganito. Panibagong inspirasyon na naman na haharapin at gugulo sa isip ko. Pero wala akong magagawa kung ganito ako dahil pinaninindigan ko kung sino at ano ako. Wala akong dapat gayahing ibang tao dahil sila ay sila at ako ay ako. Magmumukmok na lamang ba ako dito ng makita ang litrato ng aking kaklase kasama s'ya at binigyan pa nya ng remembrance na talagang hindi malilimutan.. May kung anong init na naramdaman sa loob na hindi ko mawari kung pagseselos ba na may kasamang inggit at galit o kung normal lang ba. Pinangunahan kasi ako ng hiya at kaba... natatakot mahusgahan ng mapanuring mga mata ng taong nakapaligid sakin. Siguro itatago ko na lang itong mga litrato na pinadala sakin ng isa kong kaklase para maalala ko s'ya dahil sa palagay ko yun na rin ang huling makikita ko s'ya. Buhay nga naman may makita lang na kaiga-igaya sa mata agad na nahuhulog ang loob dun sa bagay na iyun. May buhay pang naghihintay kaya mabuti pa sigurong kumilos na ko at bumalik sa dati kong mundo..

Maraming salamat Kaye ng 'Batang Rizal'.