Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Thursday, January 12

Hindi Pa Pala

Kumusta na ba ang estado ng puso mo
Akala mo'y sya ang lalaking para sayo
Tinalikuran ka nya't nasisi ka pa
Rason ay baluktot at walang kwenta

Isipin mo nga ang sakripisyong binigay mo
Naging tapat ka at minahal mo ng totoo
Ang tanong anong isinukli sayo
Ang ningas ng pag-ibig ay nauwi sa abo

Nasaan na ba ang ipinangakong kaligayahan
Ni anino nya'y di mo masilayan
Malamang hangin lang syang dumaan
At kailanman ay di mo na mararamdaman

Careful baby ang madalas nyang bukambibig
Ang sarap pakinggan ng kanyang tinig
Love is in the air nga ba talaga
Ika'y pinaasa at iniwang nag-iisa

Ngayo'y gumising pagkat wala na kayo
Tanggap ng isip ngunit ewan sa puso mo
Ang istorya mo ba'y matatapos dito
Larawan pa rin nya ang iyong isinasaulo..

Ang tulang ito ay naisulat ko noong Pebrero nung isang taon (2016). Iniaalay ko ito sa isang babae na sobrang naging espesyal sa puso ko. Kung nasan man sya ngayon, naniniwala ako na tama ang naging desisyon nating dalawa.

May mga binago pala ako sa tula kaya di sya kaparehas ng original na kopya. Happy blogging guys!

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.