Searching for something, i-google mo na!
Custom Search

Tuesday, June 16

Kailan Nga Ba Ang Father's Day?

Heto na naman uli tayo. Naguguluhan kung kelan nga ba ang Father's Day sa taong ito (2015). Ang alam ko naipaliwanag ko na sa post kong ito kung kelan o tuwing ika-ilang Sunday ang Father's Day sa buwan ng June. Nabanggit ko din doon kung tuwing ika-ilang Sunday ang Mother's Day sa buwan ng Mayo.

Kung tinatamad kayong i-click ang link sa itaas at naghahanap ng agarang kasagutan, eto at ibibigay ko na ang detalye:

* Ang Father's Day --> tuwing 3rd Sunday ng June (tumapat ito sa June 21 ngayong taon)
* At ang Mother's Day naman --> tuwing ika-2nd Sunday ng May.

Nawi-weird-uhan ako sa mga Facebook friends ko dahil kabi-kabila ang pagpopost nila ng status kung saan gini-greet na nila ang kanilang tatay, maging ang tatay ng mga kaibigan nila.

Marahil ay advance greetings na lang nila yun at pag nalaman nila ang totoong date ng Father's Day ay tyak na mapapatawa na lang sila.

Muli, bumabati ako ng maaga sa lahat ng ama ng "Happy Father's Day" (Maligayang Araw ng mga Tatay). Kung hindi dahil sa aking ama't ina, ay walang Jethro sa mundong ito na nagsusulat sa blog na ito.

Maraming salamat sa pagbabasa, kaibigan.


Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!

No comments:

Post a Comment

Hi and hello!

I'm glad you take time to read my blog post. If you have something to say, you are free to leave your message, comment, or suggestion below. Thank you.