Halos ikaw ang laman ng isipan maghapon
Gusto palagi kitang nasisilayan
Gagawa ng paraan mapa-oo ka lamang
Subalit kahit ano yatang gawin ko
Pilit kang inilalayo sa puso ko
Hindi pala ikaw ang ending ko
Pagkat may plano S'ya sa buhay ko
Buti na lang hindi naging tayo
Pagkat kung nagkataon ay talo ako
Nagsitabaan at lumusog na kayo
Habang ako'y lamang lang ng kaunti sa palito
Hindi ko naman isinulat ang tulang ito
Para laitin ang mga babaeng pinangarap ko
Pagkat may iba akong intensyon
Na ipababatid ko na ngayon
Marahil kaya ganito at hinayaan
Ng ating Diyos na may lalang
Ay upang marami pa ang matulungan
Bago ang sariling kapakanan
Mabuti na lamang at hanggang ngayon
Ay single pa rin ako
Kung hindi ay wala ng pagkakataon
Na makilala si Miss ______.
Free WEB Hosting!
No comments:
Post a Comment
Hello!
Thank you for taking the time to read my blog post. I would love to hear your thoughts, comments, or suggestions. Feel free to share your message below or above. Thanks again!