Welcome to my blog, a space where I share everything that interests me— from poetry and software reviews to my personal beliefs and opinions, and various fascinating topics. Most of the content you'll find here is a reflection of who I am, but I'll strive to keep it as diverse as possible. While I aim to use English as the main language, I may occasionally switch to Tagalog, my comfort zone. Start exploring and enjoy the read. Welcome to my world!
Sunday, September 15
Alam Kong Nandyan Ka Lang Kahit Di Ko Ramdam
Maraming araw ang dumaan ng hindi kita naramdaman
Nawala ang iyong kinang na dati'y tanaw na tanaw
Ni hindi kita nakikita subalit alam kong nandyan ka lang
Tahimik na gumagalaw sa mundong kinalalagyan
Gusto kong magpahayag ng damdamin sa'yo
Subalit natatakot ako sa kahihinatnan nito
Baka kasi may iba ng laman ang puso't isipan mo
Suntok sa buwan na lang sa tuwing iibig ako
Ang taas naman kasi ng pamantayan ko
Mataas pa sa ulap na nakikita mo
Kung nais subukan ay pipila ka sa dulo
Di pa sigurado kung makakapasa o aabot sa'yo
Pinipigilan ng isip ang gusto ng puso ko
Nakikini-kinita na at naninigurado
Kelan ba ako magkakalakas ng loob na labanan ito
Matagal na akong naghahanap ng makakatapat ko..

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Panda Express Fortune Cookie
- Be bold, try something new. - Success will be yours. - You will find yourself at a happy crossroads. - You are in the company of exception...
trial and error... :)
ReplyDelete